08: For You, Who Always Shines Brightly

367 31 9
                                    

#IYAALM08: For You Who Always Shines So Brightly

✿ ♥ ✿

If you are anything like me,
Who have someone who makes you smile,
Loves you so dearly,
And who shines so bright in your eyes,
Darling, I hope you give them warmth too,
Because they also need it, although they don't say it.

✿ ♥ ✿

"Love..." Medyo naalimpungatan ako 'nung may maramdaman akong kung anong malabot na bagay na paulit-ulit dumadampi sa pisngi ko. Kaagad kong tinabig 'yun at saka marahang binuksan ang mga mata.

"Good morning." My eyes widened when I saw Killian's face near mine. Tinulak ko kaagad 'yung mukha n'ya palayo sa akin kaya naman narinig ko ang tawa n'ya. I grabbed my bag to get my mirror and checked my face. Nakahinga ako nang maluwag na mukha pa rin naman akong disente kahit papano.

"Let's go for breakfast." Killian told me so I decided to look at him. I smiled while memorizing his handsome face. His forehead slowly knotted and showed me a confused expression.

"May dumi sa mukha ko?"

I shook my head lightly while my silly smile still plastered on my face. Lalo s'ya nagtakha sa inasta ko kaya pinitik n'ya ang noo ko kaya naman napanguso ako at tatawa tawa naman s'ya sa akin.

He went out of the car and I followed. Habang naglalakad kaming dalawa hinuli n'ya ang mga kamay ko at saka s'ya dumiretso kami sa isang café.

"Ako magbabayad." I told him seriously.

"Okay." Napaawang ang mga labi ko dahil ready na talaga akong makipagtalo kay Killian kapag hindi n'ya ako hinayaan. Palagi pa naman 'tong gusto na s'ya ang gagastos kapag magkasama kami kaya naman hindi ko mapigilang magulat.

May nakain ba 'tong kakaiba kagabi?

"Seryoso ka?" Hindi ko na napigilang itanong. He chuckled lovingly and tousled my hair.

"Yes." Kibit balikat na sabi pa n'ya kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko na pati mga mata ko'y nakangiti na rin.

Masaya at parang bata kong hinila si Killian para umorder, at nang magawa 'yon naglakad kami papunta sa isang lamesa at dalawang upuan. Magkatapatan na kami ngayon. Ngingiti ngiti pa rin ako sa kan'ya kaya naman mukhang nawiwirduhan na sa akin 'tong si Killian ko.

"Para kang may masamang balak sa akin."

"Grabe ka! Hindi ba pwedeng masaya lang ako ngayon?"

"Sana laging masaya 'yung love ko para laging ganyan ang tingin sa akin."

"Alam mo hindi ko talaga malaman sa'n mo nakukuha 'yang mga sinasabi mong banat."

"Nasa dugo 'yan, love."

And we laughed heartily. Ilang saglit lang tinawag 'yung pangalan ko kaya naman tumayo ako para kunin 'yung order namin. Susunod pa sana si Killian, pero nakuha naman sa tingin.

Wow ha, talagang masunuring bata ngayon 'to. Pero paniguradong may ibang plano 'to lalo na wala pa kami sa mismong pupuntahan. We ate and talked about random things without mentioning anything about the upsetting encounter few days ago. He was so careful because he didn't want to spoil the moment.

If You Are Anything Like MeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora