20: Mosaic Broken Heart

550 27 7
                                    

#IYAALM20: Mosaic Broken Heart

✿ ♥ ✿

If you are anything like me,
Who was hurt so bad,
And was afraid to let go,
Darling, try setting them free
For you deserve better and you are more than worthy than they made you feel.

✿ ♥ ✿

"H'WAG na h'wag n'yo papapuntahin ang lalaking 'yun dito. Masusuntok ko 'yun!" Javier's anger was so evident in his eyes and voice.

He was so ready to do what he just said. Mama was quietly hurting, and took medicines for it. Papa was looking at me with worried eyes, and Leona was watching my every action, I could see so much wrath in her silence.

"Javier, kumalma ka," saway ni Papa sa galit na kapatid. Napasigaw 'to sa inis pero napaupo rin kaagad. Ayaw mag-alala ang mga magulang namin sa lagay n'ya. Napabuntonghininga si Leona. I rested my head on my palm. Napasinghot din para tumigil ang mga luha.

Killian just left a moment ago, and I told them the inevitable news. I couldn't prolong it. They needed to know the truth, my family deserves to know what truly happened.

I told them the short version of it. How we fell apart, my mistakes, his reasons, and the result of it. Hindi ko alam ang nararamdaman ng pamilya ko, pero lahat kami natahimik. They didn't know how to comfort me.

Mama didn't know what to even say. She just hugged me, and I cried like a baby. Kahit papaano nabawasan 'yung takot at sakit sa puso ko kasi hindi inatake si Mama, mas kalmado si Javier kaysa sa inaasahan.

It was okay. More than enough. I could breath. Gusto ko na lang tapusin ang lahat. I wanted to torture Killian with the wait of our broken engagement, but I was just so tired of it. I had always done that, delay everything. Now? I just wanted everything done. I just wanted to move on with my life. Gano'n ako kapagod sa lahat.

I went upstairs to my room. Hinayaan nila ako. Gusto ko na lang itulog ang lahat eh. Mabuti na lang hinayaan nila ako. Habang mag-isang humihikbi sa dilim, napansin kong may kumatok sa kwarto ko. It was my Mama.

"Pwede kang tabihan ngayong gabi?" Mas lalo akong nag-break down sa tanong n'ya, but I nodded while tears were cascading down my cheeks.

She went to me, and hugged me tightly. She swayed a little. "You survive the first time, I'm sure, my baby Letizia's going to survive again." I bit my lower lip.

"Ang sakit, Mama. Bakit patuloy na nangyayari 'to?" I cried to her.

"Masyado ka yatang malakas eh, alam yata nilang kakayanin mo." She tried to joke but failed because she started to weep with me.

"Kung pwede lang kunin lahat ng sakit, anak, nagawa ko na."

"Siguro nakakapagod talaga akong mahalin kaya gano'n..." sumbong ko sa kanya na para bang inaapi ako. She hushed me, and laughed a little, wanting to be tough for me, but at the same time sharing my pain.

"Hindi ka nakakapagod mahalin, anak. Siguro ang bilis mo lang ma-misunderstood, pero kung bukas ang puso at utak nila, maiintindihan ka nila. Marami mang pagsubok ang dumating mananatili s'ya." She sniffed before continuing.

"Kasi anak, ang sarap mong mahalin..." I felt so weak. I wanted to be so weak with my Mama's voice.

"Sobrang mapagmahal sa pamilya, sobrang masunurin, maka-Dyos, mabait, marespeto, at mapagmahal. Nagpapatawad, nagpapalaya, umiintindi. Mahirap bang mahalin 'yun?" Hinagod n'ya 'yung likod ko nang sobrang hinhin.

If You Are Anything Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon