13: Healing Myself? Only To Bleed Because of You

345 23 6
                                    

✿ ♥ ✿

If you are anything like me
Who thought you were healing,
Then suddenly, noticed that you were instead, bleeding
Darling, please stay strong,
Keep breathing.
It might leave a scar, but see it as a reminder of how courageous you are.

✿ ♥ ✿

"ATE!" Salubong ni Leona nang makauwi ako galing sa probinsya. Isang linggo rin akong nawala. Hindi gano'n ka-busy sa trabaho kaya pinayagan ako sa biglaan kong leave, ang kaso, hindi bayad 'yung dalawang araw ro'n. Because I felt like it would drive me insane if I stayed, I agreed. Mabuti na lang naintindihan ako ni Papa at s'ya na rin ang kumausap kay Mama tungkol sa pagkawala ko.

"Oh?" Nagtatakha kong sambit kasi mukhang nag-aalala si Leona.

"Si Letizia 'yan?!" Narinig kong sigaw ni Mama sa loob ng bahay. Hinigit ako ni Leona papasok at nagpadala na lang ako. Nagmano ako kay Mama at Papa nang makapasok. They were all in the living room with Javier.

"Ang kulit, Mama. Wala nga 'yun. Naligaw lang ako kasi mali 'yung pinuntahan kong bahay ng kaklase para sa project." Javier looked so done and pissed off with Mama's rants and lectures. Papa was trying to calm Mama who was pacing back and forth.

"May naligaw bang hindi umuwi ng isang gabi?! Paano kung naaksidente ka pala? Kung hindi magsasabi 'yung kaklase mo kay Leona, hindi pa namin malalaman na wala ka pala ro'n?!" I walked confusingly to Mama. Napasapo 'to sa noo at mumumula. I looked at Papa, and nodded. Umalis sila ni Mama kasi baka tumaas ang presyon no'n.

"Kausapin mo 'yang kapatid mo, Letizia! 'Yan ang papatay sa akin ng maaga!" Galit na sigaw nito. Tapos pumanhik sila ni Papa sa taas. Napatingin naman ako kay Javier ng masama, napaiwas 'to ng tingin.

"OA ni Mama." Tatawa-tawa naman si Leona. She even mimicked Mama's sermon. Hinila ko 'yung buhok n'ya.

"Aray!" reklamo nito, pero natawa lang ako, pati si Javier natawa. Kaya nagtawanan kaming magkakapatid. Sinaway ko lang sila kasi baka marinig ni Mama.

"Anong nangyari?" Umupo ko sa harap ni Javier. Leona sat beside me to tell me what happened.

"May project sila Kuya, overnight. Nagpaalam kayna Mama. Syempre para sa school, pumayag naman sila. Tapos no'ng gabi na, tumawag si Ate Sachi, tinatanong kung pupunta raw ba 'yan si Kuya, eh, no'ng umaga pa umalis para do'n." Napatingin ako nang matalim kay Javier. He rolled his eyes, not getting serious about it.

"Saan ka galing? May ginagawa ka bang illegal? May tinatago ka bang jowa at anak?"

"Pucha, Ate?! Mamatay si Mama ng maaga kapag totoo 'yan?!" Tinampal ko ang bibig ni Leo, dahil napaka-OA. She knocked on the wood, because of what she stated.

"Tae naman Ate?!" reklamo ni Javier.

"Oh, eh, ano nga?"

"Naligaw nga lang!" asar na sagot nito.

"Palagi ka na lang naliligaw? Seryoso ka ba? Hindi mo ba alam ang kaliwa sa kanan?" tanong ko naman.

"Tss!" Ngumuso pa. Babatuhin ko sana, pero umayos ng upo. "Pagod lang talaga ako, Ate. Ang dami kasing ginagawa. Lutang lang, kaya naligaw. Ang layo, kaya ayon, hindi kaagad nakauwi. Okay na? Si Mama 'yung, napaka-OA."

"Sigurado? Sa akin mo sabihin, kung may problema ka man, ako bahala kayna Mama."

"Ay wow! Parang wala s'yang problema, kung maka-advice?!" Muntik ko ng masapok si Leo, at muntik na rin s'yang tadyakan ni Javier sa sinabi n'ya. Nakaalis lang kaagad habang tumatawa kaya napailing na lang kami sa bunso naming baliw.

If You Are Anything Like MeWhere stories live. Discover now