10: When I Decided to Let You In My Life, Forever

382 26 15
                                    

✿ ♥ ✿

If you are anything like me,
Would still wish upon a falling star,
Would still throw a coin for a little luck,
And would still believe in the magic of tomorrow,
Darling, one day, your solemn prayer would come true,
And you'll find the answer beside you.

✿ ♥ ✿

"MAGKITA na lang tayo sa school n'yo mamaya, ah?" Sabay na tumango ang mga kapatid ko habang nasa breakfast table kaming pamilya. Nakaka-miss din kasing kasama silang dalawa, kaya naman mag-ba-bonding kaming tatlo mamaya.

"H'wag ka ma-late, Kuya, ah?" Siniko ni Leona si Javier na patuloy lang kumakain. Sinimangutan s'ya ni Javier tapos ay nagsimula silang mag-away na dalawa. Syempre si Mama walang magawa kung hindi maging tiga-saway nila. Napakakulit talaga nitong mga kapatid ko.

"Kasama si Killian?"

"Kuya Killian," pagtatama ko.

"Tropa kami no'n, Ate." Javier dismissively put up his hand, and took another spoonful of rice.

"Ewan ko sa 'yo. Hindi kasama 'yun. May pupuntahan sila no'ng mga kabarkada n'ya. Ayaw n'yo bang tayong tatlo lang katulad ng dati?" tanong ko naman, habang kumakain. The three of us were really close, and when I was in college, I could still remember waiting for them, or sometimes they would wait for me, so we could eat street foods together. We always had our little dates each week or maybe thrice a month. Exclusively only for the three of us.

"Saan tayo, Ate? Excited na ako! Nakaka-miss talaga!" Leona joyfully commented.

"Surprise." I winked at her, and she moaned in fake frustration but her eyes glowed with excitement.

"Mag-iingat kayo ha?" sabi naman ni Mama at tumango kaming tatlo. Si Papa tahimik lang kaming pinagmamasdan habang nakangiti. Nang matapos kumain, tumayo na ako sa hapag at saka nilapitan si Mama at Papa para halikan sa pisngi.

"Una na po ako, h'wag masyado magpakapagod sa trabaho ah?" paalala ko sa mga magulang. Tumawa si Papa at pinalo ako sa pwet ni Mama at bumulong-bulong na ako naman daw ang sasa sa trabaho.

"Ingat, Ate!" paalam nina Javier sa akin at kumaway lang ako bago nagsilpilyo at lumabas ng bahay. Tatawagan ko pa lang sana si Killian para sabihin na nasa labas na ako ng gate ng bahay namin, no'ng matanaw ko ang sasakyan n'ya.

He immediately went down the car to kiss my cheeks and greeted me good morning. I chuckled when he opened the door for me to enter. Tagal-tagal na naming magkarelasyon ganito pa rin s'ya, hindi nagbabago. Ang saya lang.

"Where are you going later with your siblings? I could drop you off," he began when we hit the road to my workplace.

"H'wag na, baliw ka talaga. Kaya na namin 'yun," pag-tanggi ko sa kanya. Alam ko naman na busy s'ya ngayon sa trabaho dahil may new ventures yata 'yung kumpanya nila. Tuwang-tuwa nga 'yung Nanay n'yang dragon kasi focus na 'yung naligaw ang landas na pinakamamahal n'yang anak.

"Anong oras pala event na pupuntahan mo mamaya?" tanong ko na lang.

"It will start at seven pm, but probably I'll be there at six, because I need to check some preparation process." I nodded with his statement. I smiled to myself, knowing how he slowly matured in our relationship. Kung dati 'to, paniguradong i-skip n'ya lang 'yun. Daming oras manggulo eh.

Killian just talked to me about his day, and what he would do tonight. Kasama n'ya raw sina Kayla at Howard sa event para suportahan si Carollyne dahil s'ya ang host ng event. Gusto sana akong dalhin ni Killian do'n para ipakilala ng pormal kay Carollyne, kaso naintindihan n'ya rin 'yung importance na may bond kami ng mga kapatid ko.

If You Are Anything Like MeWhere stories live. Discover now