07: Consolation? The Hope of Taking Your Pain Away

405 27 13
                                    

#IYAALM07: Consolation? The Hope of Taking Your Pain Away

✿ ♥ ✿

If you are anything like me
Easily hurt by other's words,
Yet pretends that everything's alright
Even with shattering heart,
Darling, I hope you don't leave anything unsaid,
Because one day,
It'll haunt you...
However, for now, let me console you.

✿ ♥ ✿

"Mama, may almusal na kayo, nagluto na ako." Sambit ko kay Mama 'nung makita ko s'yang kalalabas lang ng kwarto at mukhang papunta na sa kusina. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa at saka tinaasan ng kilay.

"Hindi ka mag-aagahan dito?" She asked while yawning. I nodded and went to her to kiss her cheek.

"Sabay kami ni Killian magbreakfast ngayon 'Ma. Una na ako ah?" Tapos niyakap n'ya ako at tinapik sa likod. Tumango lang ito kaya naman pumunta na rin ako sa labas kasi nagtext na rin si Killian na naghihintay na s'ya sa akin.

"Mag-ingat." Mama reminded before I went out of the door. Tulog pa siguro si Papa kaya si Mama lang ang lumabas. Ang mga kapatid ko panigurado tulog pa 'yun.

Hindi ko na rin pinapasok si Killian sa bahay dahil nga mga tulog pa ang mga tao ro'n. 'Tsaka inagahan ko talaga 'yung gising para mapagluto ko na rin ang pamilya ko para naman may magawa akong maganda para sa kanila.

When I opened the gate, I saw Killian leaning on the car, looking at his shoes. He looked so serious with knotted forehead and tightening jaw. I smiled widely and my heart beat doubled at the sight of him.

Parang bata, kaagad akong tumakbo para yakapin s'ya kaya naman 'nung nasa bisig na n'ya ako ay nagulat ito.

He chuckled and kissed the top of my head. "Morning, love." He greeted with a sincere smile on his face as he hugged me tighter. I smiled because of his warmth and it just felt so nice.

Yakap yakap n'ya lang ako at hindi kaagad pinakawalan. Natawa ako nang mahina bago humiwalay. "Miss mo na kaagad ako ng sobra?" I kidded teasingly. He chuckled and opened the passenger seat for me.

"Palagi kitang namimiss." Pakiramdam ko namula kaagad ako sa sinabi n'ya kaya napa-iwas ako ng tingin at saka s'ya dumiretso sa driver's seat. He started to drive and he intertwined our fingers together.

"Sa'n mo gusto kumain?" He asked softly. I pouted and told him anywhere. Hindi ko rin kasi alam, basta naman magkasama kami okay na ako. 'Tsaka hindi rin kami makapagtatagal sa kainan kasi may trabaho pa ako at may trabaho pa rin s'ya.

It's been two months since Killian and I officially started dating each other. I took the risk, and I've been so happy ever since.

Nakilala na s'ya ng mga magulang ko. It was actually not what I imagined of when he met my parents. Akala ko kasi matanggap s'ya kaagad ng pamilya. Since supportive naman talaga sina Mama, Papa at mga kapatid ko sa akin.

But when he met them they were all cautious and gave him a cold treatment. Ni hindi nagsalita ang mga kapatid ko, na akala ko'y mangungulit. Si Mama naman oramismong sinabi kay Killian na hindi n'ya s'ya gusto para sa akin.

We were shocked and flabbergasted. Killian was stoned and hurt. But he pursued my parents well, like what he did to me. Syempre kalaunan naging okay rin ang pamilya ko sa kan'ya.

If You Are Anything Like MeWhere stories live. Discover now