03: Guarded Heart and Reckless Moments

741 42 91
                                    

#IYAALM03: Guarded Heart and Reckless Moments

✿ ♥ ✿

If you are anything like me
With wary eyes and clouded mind
Afraid of putting yourself out there,
And letting people in like you used to,
Because I know, darling
It scares you.
But in time, I hope you heal,
So I could see the real you.

✿ ♥ ✿

"Letizia, may nagpapabigay." I secretly rolled my eyes when I heard one of my co-workers. Marahan at maingat n'yang inabot sa akin ang isang paper bag. I bowed and stated a little thank you before accepting it.

Nang makuha 'yun ay inilagay ko na sa ibabaw ng lamesa ko at saka tiningnan. Pinagmasdan dahil nakakaramdam ako ng negatibong enerhiya mula roon. Pero sa huli, nangibabaw ang kuryosidad kaya tiningnan ang laman.

I knotted my forehead when I saw different kinds of dishes. May kaldereta, chop seuy, at ginataang tilapia. May kanin at saging din. Tapos mayroong bote ng tubig at bote ng juice. Napanganga ako dahil do'n. Grabe, ang daming pagkain naman nito?

May napansin akong post-it note na nakalagay sa ibabaw ng lalagyan ng kanin.

Dear Zia,

Eat well :)

From
Yours truly, Killian

Napailing-iling ako at saka napa-irap na naman habang natatawa. Wala naman sigurong lason 'to? Paniguradong niluto n'ya 'to. Dami talagang oras ng taong 'yun. Nakakainis din minsan. Bakit ko nga ba nakilala 'yun? Dahil sa taxi. Psh.

Halos mag-tatatlong buwan na rin simula nang makilala ko si Killian. Na walang ginawa kung hindi sumulpot na lang sa kung na saan ako. Consistent din sa pagpapadala ng kung ano-anu rito sa trabaho ko.

Minsan bulaklak, minsan chocolates, minsan libro, minsan movie disks, pero madalas pagkain. Nagbibigay ng kung ano anong fast foods. Hindi ko naman ganung nakakain kasi puro manok. Kaya 'nung minsang sinabayan n'ya ako pauwi tinanong ko kung gusto n'ya na bang magkapakpak ako kasi halos ilang linggo puro manok.

Kaya ngayon... ito na ang binigay n'ya. Baka mamaya gusto n'ya namang gawin akong isda? Nakakaloko talaga 'yung lalaking 'yun. Gusto manligaw pero matagal ko nang nilinaw na ayaw ko at hindi ako handa sa pakikipagrelasyon.

He's really sweet, kind and caring... he's got it all. But I'm not ready to enter another episode of love. It drained everything in me. I wanted to fix myself first... at least, I wanted to be clean before anything else.

Killian. I rejected him, not just once but thrice. But... he still didn't stop. Kapag kasi inaayawan ko at saka pinipigilan ko, lalo akong ginugulo at kung ano anong kagarbohan ang nalalaman sa pinaggagawa. Kaya ito ang resulta... hinahayaan ko na.

Sakto naman na lunch na kaya naman dinala ko na lang sa may hagdan sa emergency exit 'yung pagkain. Masarap kaya? Hmm. I smiled as I opened each container and took a bite of each.

"Hmm!" I exclaimed and nodded delightfully. Masarap nga! Napailing-iling na lang ako. He's really really something. While slowly eating his delicious food, I decided to text him. Wala kasi akong malaking load para tawagan s'ya.

If You Are Anything Like MeWhere stories live. Discover now