CHAPTER 9

427 16 0
                                    

Chapter 9


We watched movie after she emptied another claw machine. Ipinamigay rin namin... ako lang pala dahil patuloy siya sa paglalaro habang namimigay ako na parang kandidato. Inabot kami ng ilang oras sa paglalaro bago nagdecide na manood ng movie. We watched two different movies in one day, this is how bored she is in her life. Pinitik ko ang daliri ko nang mapansing nakatitig siya sa akin.

"Yes?"

Umiling siyang muli pagkatapos ay iniangat ang kamay para hawakan ang pisnge ko.

"Okay naman na ang mga sugat at pasa ko." I said

Napaaway si Laurence noong isang araw and it was so bad. She almost killed someone just because of me. Nadamay pa ang Dark Phoenix na napunta sa detention room. Jin was also there. Minu-minuto akong nakatitig sa kanya at ramdam ko ang bawat sakit. Sa tuwing titingin ako sa kan'ya ay palagi kong nakikita kung paano siya makipaghalikan sa mga babae niya. Sobrang sakit lang.

Nasa loob pa kami ng isang coffee shop at nakaupo sa tabi ng glass wall, our favorite spot. We're just talking about some random things. Ako lang pala ang maraming sinasabi dahil sobrang tahimik niya at nakikinig lang. Nang mapalingon ako sa may bandang kanan ay unti unting kumunot ang noo ko dahil ang lalaking nakaitim hindi kalayuan sa aming kinauupuan ay pasulyap sulyap. Kanina ko pa iyong napapansin sa labas pa lang. Noong una ay binalewala ko lang pero kalaunan ay hindi rin  nakatiis at binalingan na si Laurence.

"Ren, kilala mo ba 'yon? Kanina pa kasi siyang patingin tingin dito."

"Who?"

She look at where's my finger secretly pointing at. Saglit na nagtagal ang tingin niya sa lalaki bago umiling.

"I dunno." she shrugged

"Ihahatid na kita, gabi na." ilang segundo ang lumipas habang palingon lingon sa itinuro ko bago muling nagsalita.

Agad akong nagreklamo when she stood up with finality. Alas seis pa lang naman. Mahaba pa ang time before my curfew.

"It's dark already." she look at her wriswatch

She pulled me outside the coffee shop. Her paces are very fast. Sobrang nagmamadali. May iba pa ba siyang pupuntahan? A date perhaps? Right. If I don't know her baka nga iisipin ko na may ka-date siya.

"Tss. Hihintayin natin ang sundo mo."

We both waited for our car to arrive. Hindi naman nagtagal ay dumating na ito. Tumigil ito sa harap namin ni Laurence sabay baba naman ni Kuya mula sa loob. Umalis na rin si Laurence, si kuya naman ay may bibilhin pa daw kaya naiwan akong mag isa sa loob ng kotse. I'm really sure, hundred percent sure na condom ang bibilhin niya. Bakit sa mall pa, pwede namang sa pharmacy na lang. Tsk.

The door beside me opened and kuya entered without anything on his hand. Wala siyang dala na kahit ano. Kinunotan ko lang siya ng noo pero hindi na nagsalita pa. He put on an airpod and lean his head on the back rest and close his eyes. Ganoon na lang din ang ginawa ko.

Kinaumagahan ay tamad na tamad akong bumangon pero nagawa ko pa ring maligo at pumasok sa school.

"Cheng, hindi pa ba pumapasok si Laurence?"

"Hindi pa din, eh." umiling ito at bumalik sa sinusulat

Cheng is our class Monitress. I asked her for about 5 times or more. Magla-lunch na pero wala pa rin siya. I'm so bored to death. Nagawa ko na ang dapat ay assignments. Nabasa ko na rin ang lesson namin para bukas at kahit ang Dark Phoenix ay wala sa cafeteria. Hindi ko nakita si Jin kaya gusto ko na lang umuwi. Kung pwede lang maghalf day kaya lang ay may long quiz kami mamaya.

Dark Phoenix #2: Echoes Of LiesWhere stories live. Discover now