Chapter 13

305 18 4
                                    

PYRA'S POV

"Nasaan si Irvina?" Tanong ko sa isa sa mga tagapagsilbi.

Kararating ko lang galing sa palengke. Bumili ako ng halaman na maaari kong magamit sa ginagawa kong gamot.

Kailangan ako mismo ang pumili kaya hindi ko maaaring iutos sa kung sino sino lang kahit pa hindi ko naiibigan ang mga titig ng mga tao dahil sa kulay ng aking buhok at sa mga binatang tila nais pa akong ligawan.

Kung batid lamang nila na ilang siglo na ang aming agwat.

"Huli ko po siyang nakita sa hardin" Sagot naman ng tagapagsilbi kaya agad kong tinungo ang hardin.

Doon ko natagpuan ang matalik kong kaibigang nakaupo sa damuhan na aakalain mong siya'y nagliliwaliw lamang kung hindi mo makikita ang kasalukayang ekspresyon sa kanyang mukha.

"May nakaaway ka nanaman bang kapitbahay?" Pabiro kong tanong nang makalapit na ako sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Ano ang iyong sinasabi? Kay tatanda na natin kahit pa hindi halata para sa mga walang saysay na pakikipagtalo sa mga tao. Hindi ko sila pag-aaksayahan ng panahon."

Tila malalim ang kanyang pinaghuhugutan. Ano kaya ang nangyari?

"Kung ganoon ano't tila nais mo nang sunugin ang buong hardin?" Tanong ko at naupo na rin sa kanyang tabi.

Maganda ang hardin na ito. Punong puno ng mga halaman na karamihan ay nangmula pa sa Encantadia. Kaya sayang naman kung susunugin lamang niya.

"May natanggap akong isang masamang balita. Anim sa aking mga Hathor at isa naman mula sa ating mga tagapagsilbi ang nawawala sa magkakaibang araw at lokasyon. Nangangamba ako Pyra. Masyadong marami ang anim para ituring nating nagkataon lamang ang lahat ng ito." Nag-aalalang niyang paglalahad.

"Batid na ba ito ng punong tagapayo?" Tanong ko.

"Oo. Sa kanila mismo nanggaling ang ulat"

"Batid natin kung anong pakay ng mga wenu veshka kung mga Hathor mula sa iyong angkan ang kanilang pinupunterya at batid rin nating kung sino lang ang maaaring makinabang rito." Saad ko.

"Kung gayon ay naniniwala kang may mga nabubuhay ka pang kadugo? Ikaw at ang iyong mga kadugo lamang ang maaaring makinabang sa kapangyarihang taglay ng dugong mula sa aking angkan."

"Batid mong kailan man ay hindi ko pinag-interesan ang inyong dugo"

"Poltre kung ganoon ang pagkakaunawa mo sa aking tinuran ngunit hindi ito patungkol sayo kundi sa posibilidad na may mga nabubuhay ka pang mga kadugo at sila ang maaaring nasa likod ng sulirinan nating ito. Hindi ka nakatitiyak na napaslang silang lahat ng mga Etherian." Paliwanag niya.

"Ngunit ayon kay Cassiopeia a-"

"Hindi lahat ng sinasabi ng warkang diwata ay tama. Hindi natin siya kauri kaya huwag kang basta basta nagtitiwala."

Hanggang ngayon ay malalim pa rin ang galit niya kay Cassiopeia dahil sa nangyari sa kanyang angkan noon.

"Kung gayon nga at totoong may nabubuhay pa akong mga kadugo, wala ring saysay ang paggamit sa inyong dugo dahil sa sumpang aking binitawan bago natin nilisan ang Encantadia at batid mo rin na ang tangging makakaputol lamang sa sumpa ay ang pagsilang ng susunod na magkatugmang dugo. Batid mong wala pang Hathor mula sa iyong angkan ang isinilang na may kambal-diwa kung kaya't tiyak kong hindi pa napuputol ang sumpa."

Natahimik naman siya at tila nag-iisip.

"May isa pang nilalang na maaaring nasa likod nito. Si Santana. Tanging si Analia lamang ang naisumpa. Malakas ang nilalang na pinanggalingan ni Santana. Hindi natin siya maaaring maliitin kahit pa isa na siya ngayong ligaw na kambal-diwa. Nakatitiyak akong gagawin niya ang lahat upang muling makabalik sa kanyang panginoon."

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now