Chapter 15

280 14 1
                                    

CASSIOPEIA'S POV

"Nakatitiyak ka bang magiging ligtas ang aking anak at si Deshna sa gagawin mong ito?" Nag-aalalang tanong ni Pirena.

Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagsasanay kung saan isinama ko si Mira at Deshna.

"Huwag kang mag-alala pagkat hindi lang naman silang apat ang aking sasanayin. May iba pang mga napili mula sa iba't ibang lahi. Isa pa, nasa loob pa rin naman kami ng pananggalang kaya't wala kang dapat ipag-alala. Makakatulong rin ito upang masanay silang kontrolin ang kanilang sarili habang nakikihalubilo sa iba't ibang nilalang. Alam kong nag-aalala ka para sa kanilang kaligtasan ngunit batid mong hindi habangbuhay ay kinakailangan nilang magtago at umiwas. Kailangan nilang matutunang mamuhay at kumilos ng normal sa kabila ng mga banta."

"Nauunawaan kita Mata at batid ko rin na hindi mo sila pababayaan at gagabayan mo sila katulad ng paggabay na ibinigay mo sa amin ni Rhian ngunit hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala. Lalo pa't hindi magawang bigyan ng sapat na atensyon ang aking anak dahil sa mga nagaganap sa loob at labas ng Encantadia." Paliwanag niya.

"Kung kinakailangan na paulit-ulit ko silang paalalahanan ay gagawin ko"

"Avisala Eshma."

"Maiba tayo. Nakaharap mo na ba sina Irvina at Pyra?"

"Oo. Nakilala ko sila agad dahil sa kulay ng kanilang mga buhok. Tulad ng sinabi mo. Hindi ko nabasa ng lubusan ang laman ng kanilang isipan dahil sa pangambang maging dahilan ito upang malaman nilang hindi ako tao. Ngunit bakit ganoon Mata? Tila may kinikimkim na galit sa iyo ang isa sa mga ninunong Hathor na si Irvina. Ang akala ko'y matalik na magkaibigan kayong dalawa." Tanong niya.

"Isa lamang hindi pagkakaunawaan sa nakaraan Pirena. Noon pa ma'y napakahirap nang mangatuwiran kay Irvina lalo na kung siya'y nagagalit. Hindi siya nakikinig at nagiging sarado ang kanyang isipan sa kahit na anong paliwanag. Kaya naman hanggang sa ngayon ay hindi ko pa nagagawang mailahad sa kanya ang aking panig. Kung bakit kinailangan kong umalis nang araw na iyon at kung bakit rin ako nahuli ng dating."

"Nahuli ka ng dating? Saan? Ano ba ang nangyari?"

FLASHBACK

Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang maisumpa si Analia at naging isang hindi pangkaraniwang puno sa Hathoria.

Ngunit hindi ibig sabihin noon na naging mapayapa na ang Encantadia sapagkat naririyan pa rin ang mga Etherian at patuloy pa rin ang kanilang pagmamalupit sa iba pang mga nilalang.

Sila rin ang dahilan nang di matapos-tapos na mga masasamang pangitain na ipinapakita sa akin ng aking mga mata. Lalo na ang nakikita kong kahahantungan ng mga lahing Hathor.

Kaya naman ngayong araw ay naisipan kong dalawin ang dalawa kong matalik na kaibigan sa Hathoria.

"Avisala" Pagbati ko sa kanila kaya naman biglang nahinto ang kanilang pagsasanay.

"Cassiopeia. Napadalaw ka." - Pyra.

"Nais ko lamang kamustahin ang inyong kalagayan"

"Maayos naman kami Cassiopeia. Bagamat patuloy pa rin naming sinasanay ang aming mga sarili kung paano lumaban na wala ang iba naming kapangyarihan." Saad ni Irvina.

Namatay ang kanilang mga kambal-diwa gawa ng pakikipaglaban kay Analia. Malaki ang naging papel ng sakripisyo nilang ito sa aming tagumpay.

At dahil pareho nang napaslang ang kanilang mga kambal-diwa ay nawala na rin ang kanilang kakayahan na kaakibat nito. Nawala ang kakaibang bilis ni Irvina at ang kakayahan ni Pyrang baguhin ang wangis ng apoy. Napansin ko rin ang pagbabago ng kulay ng kanilang mga buhok. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na sila maaaring magsanib.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now