Chapter 3

457 22 2
                                    

"Mga wenuveshka!...Tarayan pa ba ako?" Inis na saad ni Katrina na halos ibato na ang cellphone niya matapos makausap ang pulis sa kanyang telepono.

"Isang milyong ulit ka nang tumatawag sa kanya. Malamang naimbyerna na yon sayo" Nagpupunas naman ng luhang sagot dito ni Bianca.

"Tanakreshna! Eh trabaho nga nila yon! Kaya kahit isang daang milyong beses pa akong tumawag sa kanila eh wala silang karapatang magreklamo!" - Katrina. Siya na nga ang pinakamainitin ang ulo sa kanilang tatlo.

"Hindi ko rin macontact si Glaiza." - Chynna na labis na din ang pag-aalala.

Hating gabi nahihimbing na silang tatlo nang makatanggap sila ng tawag mula sa mga awtoridad. Sinabing biglang raw sumabog ang isang sasakyan habang binabaybay ang kalsada at kompirmadong pagmamay-ari ni Rhian ngunit walang nakitang tao rito. Ayon rin daw sa report ay magkasamang umalis si Rhian at ang bodyguard nito. Nakita pa nga ng isang security guard na pumasok raw ang mga ito sa nasabing sasakyan.

"So dito lang talaga tayo? Wala tayong gagawin para mahanap si Rhirhi?" Tanong ni Bianca na hilam pa rin sa luha.

"Gustuhin man nating maghanap. Hindi natin alam kung saan tayo magsisimula. Kayo ba nabackground check niyo ng maaayos yung Galura na yan? Baka mamamaya yung bodyguard pa niya ang magdala ng kapahamakan." Saad naman ni Katrina na parang ibinabaling na ang inis dahil sa pag-aalala sa kaibigan.

"Okay naman an-"

Naputol ang sasabihin ni Chynna nang biglang nagring ang cellphone niya. Isang tawag mula sa unknown number.

"Wait lang guys. Wag kayong maingay" Sabi nito bago kabadong sinagot ang tawag.

"Hello" - Kinakabahan pa ring sagot nito.

"Uhm Hello Ms. Chynna. Si Glaiza to"

Nakahinga naman siya ng maluwag nang malaman kung sino ang tumatawag.

"Glaiza thank goodness! Nasaan kayo? Si Rhian? Ayos lang ba kayong dalawa?" Sunudsunod naman na tanong niya rito habang nakatingin sa mga kasamang gustung gusto nang malaman ang kalagayan ng kaibigan.

"Yeah. We're both fine. Rhian is just really wasted she had too much. Kung pwede bukas ko na lang siya ihahatid pauwi and bukas ko na lang din iiexplain kung anong nangyari. Nandito pala kami ngayon sa condo ni Max."

"Wait... Max? Don't tell me it's Max Collins Glaiza." Gulat na tanong ni Chynna kaya nakakunot noo namang nakatingin sa kanya si Bianca at nakataas naman ang kilay ni Katrina.

"Uhm it's actually her." Alangang sagot ni Glaiza sa kabilang linya.

"Glaiza. I trust na safe sayo ang kaibigan namin pero I don't think it's a good idea na pagsamahin ang isang Max Collins at Rhian Ramos sa iisang bubong. Gusto mo bang magkaworld war dyan paggising ni Rhian?" Paliwanag naman nito.

"Actually Max is not here anymore. She already went home doon sa kanyang malaking bahay so I think it's....alright"

Napabuntong hininga na lamang si Chynna. Naririnig niya sa boses ni Glaiza ang pagod kaya hinayaan niya na lamang na manatili doon si Rhian.

"Oh asan daw sila? Ayos lang ba si Rhirhi? At bakit naman nasali si Max Collins sa usapan?" Bungad ni Katrina nang maibaba na ni Chynna ang telephono.

Hopeful naman na nakatingin sa kanya si Bianca.

"Rhian is fine. She's just wasted sabi ni Glaiza. And right now they're in Max's condo." Paliwanag ni Chynna.

"Pumayag ka na magstay si Rhirhi sa isang lugar kasama si Max?" Gulat na tanong ni Bianca.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now