Chapter 16

261 15 1
                                    

ENCANTADIA

LIRA'S POV

Of all places na pagdadalhan sa amin ni Mata para magsanay di ko inexpect na dito niya kami dadalhin sa nagbabagang ever so hot na kaharian ng Hathoria.

Pero okay lang naman kasi magkakasama ko ulit si Kahlil at Beshy tapos si Luna na rin.

May mga iba ring batang engkantadong naririto. Akala ko kami lang ang sasanayin ni Mata and speaking of Mata.

"Asan na kaya si great great grandmother Cassiopeia?" Tanong ko kay Luna at Kahlil. Di ko alam kung saan nagsuot si Bessy Mira eh.

"Oo nga. Ang sabi niya'y hindi naman siya magtatagal" - Luna.

"Luna!"

Napalingon kaming lahat kay Mira na kasalukuyang tumatakbo papalapit sa amin. May hawak siyang isang kalatas.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Luna sa kanya.

Ibinigay naman ni Bessy ang kalatas kay Luna para mabasa niya.

Nagkucurious ako pero feeling ko private na bagay ito kaya nanahimik na lang kami ni Kahlil.

"Nagtungo siya rito? Bakit hindi siya nagpakita sa atin?" Tanong ni Luna.

Sino ba ang tinutukoy nila? Pero napansin kong biglang nalungkot si Bessy.

"Alam ko na! Magtungo tayo sa tahanan ni Mata. Baka hindi pa siya nakaka-alis" Suggestion naman ni Luna na agad namang sinang-ayunan ni Bessy.

"Teka. Teka. Magtutungo kayo kay Mata? Sama kami" Mungkahi ko na rin.

Nagkatinginan naman silang dalawa na parang nag-aalangan.

"Mukhang nagmamadali kayo. Mas mabilis tayong makakarating doon kung gagamit tayo ng ivictus"

At dahil sa mungkahi ni Kahlil ay pumayag na sila.

Thank you Kahlil!

Agad naman kaming nag-ivictus pero hinarang kami ng isang isang pananggalang.

"Oh nandito pa rin tayo sa Hathoria" Sabi ko naman.

"Oo nga pala. Wala kayong basbas para maglabas-masok sa Hathoria" - Luna

"So hindi tayo makakalabas?" - Ako

"Makakalabas tayo. Kailangan niyo lamang ni Kahlil ng pahintulot namin ni Luna" - Bessy

At nagtungo nga kami sa tahanan ni Mata.

"Parang wala naman dito si Cassiopeia" Sabi ko nang wala kaming datnan sa lugar.

"Ngunit tingnan ninyo ito. Hindi ba't ito ang sandata ni Mata?" - Luna.

"Oo nga. Nakapagtatakang nandito lamang ito't pakalatkalat. Kailan ma'y hindi iiwanan ni Mata ang kabilan. May nangyari kaya rito kaya hindi agad siya nakabalik?" - Bessy.

Nakakapagtaka nga. Hindi naman burara si Mata para iwanan lang na pakalatkalat ang makapangyarihan niyang sandata.

"Huwag muna tayong mag-isip ng negative okay? Baka nandyan lang siya sa paligid. Sa malapit. Hanapin natin" Sabi ko naman.

Ayoko na kasing mag-isip ng masama. Nakakatakot kaya bumalik sa dark ages.

At heto nga, gumala na nga kaming apat sa kakahuyan para hanapin si Mata.

Hanggang sa makarating kami sa isang lugar kung saan may isang nakatayong kaharian na ngayon pa lamang namin nakita.

"Ano iyan? Kailan pa nagkaroon ng palasyo sa lugar na ito?" - Kahlil

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now