Chapter 23

238 14 11
                                    

PIRENA'S POV

"Ngayon ko lang narealize. Magkahawig kayo ni Ashti Pirena Bes."

Sinasabi ko na nga ba at hindi rin magtatagal bago may makahalata sa mga bagay na ito.

Simula noong napadpad silang apat rito batid kong kinakailangan ko nang magpasya kung ipagtatapat ko ba ang tungkol kay Mira at Deshna kay Lira at Kahlil.

Ang aking mga hadia ay hindi tulad sa aking mga nasasakupang Hathor na hindi kukuwestyonin ang pagiging malapit ko kay Mira at Deshna.  Batid ko na darating sa puntong kinakailangan kong magpaliwanag. Lalo pa't hindi naman mapagkupkop ang pagkakakilala nila sa akin.

"Lira, Kahlil. Batid kong hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin ako pinagkakatiwalaan kaya hayaan ninyong ipaalam ko sa inyo ang isa sa aking mga pinakaiingatang lihim upang mapatunayan na wala akong masamang binabalak sa inyo o sa aking mga kapatid." 

"Hara. Sigurado ka ba?" Nag-aalalang tanong ng aking anak.

"Matagal-tagal rin tayong magkakasama. Mahihirapan lamang tayo kung itatago natin ito sa isa't isa kaya't mas mainam na ipabatid na lamang natin sa kanila."

"Marami ka palang secrets Ashti? Pero ano naman po ang kinalaman nun sa pagiging magkahawig ninyo ni Bes?"

"Lira. Si Mira ay aking anak. Siya pinsan ninyo ni Kahlil."

Kita ko naman ang pagkagulat sa kanilang mga mukha dahil sa aking tinuran.

"Poltre Bes. Kahlil. Kasalanan ko kung bakit tayo napadpad rito. Noong tangka na tayong sasaktan ni Cassiopiea...ng nagbabalatkayong Hara Durye ay aksidente akong nakapag-ivictus at nasama ko kayo rito."

"Okay lang naman iyon Bessy. Huwag kang magsorry. Ano bang malay natin sa mangyayari kung hindi mo ginawa yon...At grabe nakakaloka! Di lang tayo bestfriends magpinsan pa tayo! Ang galing!"

Naguguluhan man ngunit nasisiyahan pa ring saad ni Lira.

Subalit hindi tulad ni Lira ay tila hindi batid ni Kahlil kung ano ang dapat niyang maramdaman.

"Kung gayon Ashti bakit naman ninyo inilihim ito?" Tanong ni Kahlil.

"Ginawa ko ito upang mapangalagaan si Mira laban sa mga masasamang loob katulad ni Hagorn. Sa gulo ng kalagayan ng Encantadia, hindi ko nais na gamitin siya sa akin ng mga kaaway upang makuha ang kanilang nais. Mas panatag ang aking loob kung nakatitiyak akong magiging ligtas ang aking anak at ang aking kapatid."

Nagulat naman sila sa huli kong tinuran.

"Tama kayo ng iniisip. Si Luna nga ay walang iba kundi ang anak ni Lila Sari. Si Deshna." Paliwanag ko naman.

"Agape avi. Ngunit Ashti, hindi ko talaga maunawaan. Isa ka sa dahilan kung bakit magulo ang Encantadia. Kung nakipag-ayos ka na lamang sana sa iyong mga kapatid ay marahil hindi gaanong magulo ang lahat. Agad sana nating nagapi ang ating mga kaaway. Poltre ngunit hindi ko maapuhap kung bakit hindi ninyo kayang mahalin ang iba niyo pang mga kapatid katulad ng pagmamahal ninyo kay Deshna. Paano niyo sila nagagawang saktan? Kami ni Lira. Kami ay iyo rin namang mga kadugo." Puno naman ng hinanakit na pahayag ni Kahlil.

"Ssheda avre sang'gre. Wala kang alam sa mga sakripisyong ginawa para sa inyo ni edeya Pirena."

"Ngu-"

"Ssheda. Tama na iyan. Hindi niyo kinakailangang pagtalunan ang mga bagay na ito." Saway ko sa kanila.

Mabuti na lamang at agad naman silang tumahimik kaya naman ay itinuon ko na ang aking pansin sa aking mga hadia.

"May ibang mga bagay na hindi ko pa maipapaliwanag sa ngayon aking mga hadia ngunit sa maniwala kayo at sa hindi. Wala akong ibang hinangad kung hindi ang mapabuti ang lahat. Mahal ko ang lahat ng aking mga kapatid at gayun din kayong dalawa at katulad ng sinabi ko. May malalim na dahilan ang lahat ng aking ginawa."

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now