Chapter 18

296 29 6
                                    

PIRENA'S POV

Tanakreshna!

"Oh my God Glaiza!"

Ang warka!

Hindi ko inaasahan na gagamitan niya ako ng kapangyarihan at sadyang napakabilis ng pangyayari kaya hindi ko ito nagawang iwasan.

Malakas ang pinakawalan niyang kapangyarihan kaya naman tumilapon ako ng halos isang metro ang layo mula sa sasakyan at bumagsak sa damuhan sa ilalim ng malakas na ulan.

Mabuti na nga lang at umuulan. Nakatulong ito sa mabilisang pag-apula ng apoy gayon pa man ay ramdam ko pa rin ang hapdi sa aking kaliwang kamay na siyang ipinangsangga ko kanina upang hindi ako lubusang mapinsala.

"My God Glaiza! I'm so sorry!" Natataranta siyang lumapit sa akin. Di alintana ang lakas ng ulan at ang dumi at putik sa damuhang kanyang sinalampakan.

Nakikita ko ang labis na pag-aalala at pagsisi sa kanya kaya naman hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya kahit kanina ay parang gusto ko siyang gantihan.

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako gaanong nasaktan."

Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan papasok sa bahay ngunit bago pa man kami makapasok ay bigla kaming natigilan dahil sa apat na pares ng mga matang nakatitig sa amin ng may pagtataka.

Hay, kamuntik na silang mawaglit sa aking isipan.

"Uhm Rhian. Dito muna pala sila titira. Wala ang mga magulang nila so for the meantime I'm babysitting them. I hope that's okay with you." Sabi ko naman sa halata pa ring naguguluhan na si Rhian.

"Of course. This is your house. It's your call." Nakangiti niyang tugon.

At nakuha pa talaga niyang magpacute sa lagay na ito. Mukha kaming mga basang pashnea.

"Natutuwa akong makita kang muli Ms. Rhian" Di naman maitago ng aking anak ang kanyang saya sa muli nilang pagkikita.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng galak dahil nakikita ko ang pagkasabik ni Rhian na makitang muli ang aming anak kahit hindi niya ito batid ngunit may kirot sapagkat hindi ko rin magawang ibigay ang matagal nang ninanais ng aking anak. Ang mapunan ang puwang sa kanyang pagkatao na tanging si Rhian lamang ang makapagbibigay.

"I'm so happy to see you too Mira" Nakangiti niyang tugon rito.

Halata rin naman na nais nilang yakap ang isa't isa ngunit may pag-aalangan dahil nga pareho kaming basang basa sa ulan ni Rhian.

"Ito naman sina Lira, Kahlil at si Luna" Pakilala ko sa tatlo pang bata.

"Hello po Ms. Rhian. Ang ganda ganda niyo po sa personal. Para po kayong isang diwata" Saad naman ni Lira.

Parehas kaming natawa ni Rhian sa kanyang tinuran ngunit nakapagpigil ako. Si Rhian naman ay natawa ng bahagya.

Hindi nga naman siya isang diwata.

"Salamat Lira."

"Kinagagalak ko rin po kayong makilala" - Kahlil.

"Ganoon din ako. Sa wakas ay nakita ko na rin sa personal ang parating bukang bibig ni Mira." - Luna.

Tila nahiya naman ang aking anak at nag-iwas ng tingin.

"Rhian...sorry pero. Pwede mo bang kunin yung first aid kit sa taas?" I said to distract her.

Ayaw ko mang putulin ang makabagbagdamdaming tagpong ito ngunit marami pa akong kailangang ipaunawa sa apat na ito. Lalo na ang kahalagahan ng pagtatago sa tunay nilang pagkatao.

"Oh yeah sure. I almost forgot. Wait...how about you come with me para makapagpalit ka na muna bago natin gamutin yang sugat mo?" Suggestion naman ni Rhian.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now