Chapter 24

146 12 11
                                    

DANAYA’S POV

Nang magkamalay ako’y bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng aking mga kapatid.

“Danaya? Mabuti naman at nagkamalay ka na. Maayos na ba ng iyong pakiramdam?” Puno ng pag-aalalang saad ni Alena habang inaalalayan akong bumangon.

“Pinag-alala mo kami. Ayon sa iyong mga dama ay bigla ka na lamang nahimatay sa iyong silid tanggapan.” Saad naman ni Amihan.

“Poltre kung pinag-alala ko kayo mga apwe. Pagod lamang ako. Masyadong marami ang gumugulo sa aking isipan simula pa nitong nakaraan. Idagdag niyo pa ang mga kakaibang ikinikilos ni Cassiopeia ngunit huwag kayong mag-alala pagkat maayos na ngayon ang aking pakiramdam.”

Tunay na hindi naman talaga masama ang aking pakiramdam sa totoo lamang ay pakiramdam ko ay hindi naman ako nahimatay.

“Danaya naririto kami ni Amihan kung kinakailangan mo ng tulong.”

“Tama si Alena. Magsabi ka lamang hindi nangangahulugan na ikaw na ang reyna ay kinakailangan mo nang sarilihin ang lahat.” Tila nangangaral naman na saad ni Amihan.

“Magpahinga ka na muna sa ngayon. Kami na ni Alena ang bahala sa lahat" Dagdag pa niya.

“Avisala eshma. Subalit nais kong magpatawag muli ng pagpupulong bago magtakipsilim. Nais ko ipabatid sa lahat ang aking magiging pasya sa mungkahi ng Hara Durye”

"Sige ngunit tiyakin mo lamang na magkapagpapahinga ka." Muli namang paalala ni Alena.

Nagkaroon ng katahimikan sa paligid nang lisanin na ng aking mga kapatid ang aking silid matapos ang ilang ulit nilang pagpapaalala na kinakailangang kong magpahinga.

“Warka ka Pirena.” Naibulong ko na lamang sa aking sarili at hindi ko na napigilang lumuha dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman.

Naalala ko na...

Bata pa lamang ako at hindi pa nakakabalik si Amihan sa Encantadia noong di sinasadyang matuklasan ko ang tinatagong lihim ng aking panganay na kapatid.

FLASHBACK

Naririto ako ngayon sa kakahuyan malapit sa Lireo at nakikipaglaro sa mga pashnea.

Batid kong magagalit sa akin ang aking ina sa oras na malaman niya na tumakas ako sa palasyo at tiyak rin na hinahanap na ako ng aking mga dama ngunit hindi ko talaga mapigilan.

Lubos akong nagigiliw sa mga pashneang naririto.

Nakakaaliw sila at higit na mas nasisiyahan akong kasama sila kaysa sa walang katapusan na mga araling dapat matutunan ng isang sang'gre.

Habang nakikipaglaro ako sa mga pashnea ay may narinig naman akong tinig mula sa di kalayuan.

“Bumalik na tayo sa ating pagsasanay. Nag-aaksaya lamang tayo ng panahon rito.” Saad ng isang pamilyar na tinig.

Hindi ako maaaring magkamali.

Kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari ng tinig na ani mo'y tila laging nagagalit.

“Masyado ka naman serious. Loosen up Pirena.” Saad naman ng isang di ko maulinigang tinig ngunit tama ako!

Kaya naman agad akong nagtungo kung saan nagmumula ang mga tinig at nadatnan ko nga ang aking kapatid kasama ng isang bata na sa pakiwari ko'y kasinggulang niya subalit hindi ko ito kilala at kapansin-pansin rin ang kakaiba niyang kasuotan.

At dahil nakatingin lamang ako sa kanila hindi ko napansin ang nakausling ugat ng puno sa lupa at natisod ako.

Kamuntik na akong malaglag mabuti na lamang at may nakapitan akong baging.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now