Chapter 14

275 18 3
                                    

MIRA'S POV

"Saglit!...Magpahinga muna tayo" Hinihingal na saad ni Deshna saka sumalampak sa lupa.

Kasalukuyan kaming nag-iinsayo sa loob ng isang kweba na nilagyan ng encantasyon ng aking Ina upang manatiling lihim ang lugar na ito.

Itinuturo ko kay Deshna ang lahat ng aking nalalaman sa paggamit ng aming kapangyarihang apoy sapagkat wala si Cassiopeia o ang aking Ina para maturuan siya ngayon.

Hindi pa siya ganoon kabihasa kaya't mabilis pa niyang mapagod sa tuwing ginagamit ito.

"Magpapahinga tayo ngunit saglit lamang." Pagsang-ayon ko at naupo na rin sa kanyang tabi.

Kailangan kong maghigpit sa kanya upang matiyak na makakasabay siya at upang magawa niya ring maipagtanggol ang kanyang sarili sakali mang dumating ang pangangailangan.

"Kailangan mo pa ba ng katugmang dugo? Hindi ba't parehong galing sa dalawang maharlikang angkan ang mga magulang mo?" Bigla niyang naitanong.

"Sa aking pagkaka-alam hindi naman lahat ng Hathor mula sa dalawang maharlikang angkan ay may katugmang dugo. Tanging ang mga Hathor lamang na isinilang na may kambal-diwa ang mayroon nito. Sila ang mga Hathor na may kapangyarihan at kakayahan na wala ang iba sa kanilang mga kadugo." Paliwanag ko.

Totoong parehong nagmula sa dalawang maharlikang angkan ang aking mga magulang kung kaya't pareho kong namana ang mga pangkaraniwang kapangyarihan nila.

Pangkaraniwan lamang sapagkat hindi ako isinilang na may kambal-diwa kung kaya't hindi ko namana ang ilan sa kapangyarihang taglay nila tulad ng kakaibang bilis ng aking mama at kakayahan ng aking ina na baguhin ang wangis ng apoy. Nagagawa niya itong gawing usok o kidlat.

"Hmm. Alam natin na parehong may kakayahan sa paglikha at pagkontrol ng apoy ang parehong angkan. Ang angkan na aking pinagmulan ay nagtataglay ng dugo na nakapagbubukas ng kahit anong lagusan at ibang dimensyon. At kapag naging mas bihasa ka pa'y maaari mo itong gamitin upang makalikha ng isang malakas na sumpa. Ano naman ang nagagawa ng angkang pinagmulan ng mama mo?"

"Ang aking mama ay mula sa mga Hathor na nagtataglay ng kakaibang dugo. Dugo na nagagawang palakasin ang taglay na kapangyarihan at lakas ng isang Hathor sa maikling panahon kasama na rito ang pagpapagaling sa kahit anumang karamdaman ngunit gumagana lamang ito sa mga Hathor mula sa isa pang maharlikang angkan"

"Papaano kami nito nagagawang palakasin?"

"Sa pamamagitan ng pag-inom ng dugong makukuha mula sa aming mga batok. Ayon sa aking Ina, nanghihina ang mga Hathor na nagbibigay ng kanilang mga dugo. Ang bahagi rin ito ng aming katawan ang isa sa aming mga kahinaan sapagkat kahit isang maliit na sugat lamang ay nagdudulot na ng labis na sakit."

Nilagyan ng aking Ina ng isang hindi nakikitang marka ang aking batok upang ako'y mapangalagaan laban sa sinumang magtatangkang kunin ang aking dugo.

"Ngunit kung mayroon kang katugmang dugo ay hindi mo na kinakailangan pang uminom nito. Ang kailangan lamang nilang gawin ay maging isa"

"Nakakamangha. Sino ang mag-aakala na makapangyarihan rin ang mga Hathor katulad ng mga diwata?"

"Tunay ngang nakamamangha ngunit malaki rin ang tunkuling kaakibat nito. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi nagawang ipagpatuloy ng mga nauna sa atin ang nasimulan ng ating mga ninuno. Naging gahaman sila sa kapangyarihan at tuluyan nang kinalimutan ang pangunahing tungkulin ng ating angkan."

"Tama ka. Imbes na kilalanin ang mga Hathor sa katapangan sa pagtatanggol sa Encantadia at sa pagpapanatili ng kapayapaan ay kinakatakutan o di naman kaya'y pinandidirihan tayo ng ibang mga nilalang." Malungkot niyang tugon.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now