Chapter 20

239 17 5
                                    

RHIAN'S POV

Nandito ako ngayon sa veranda. Nagkakape while waiting for the sun to rise.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang magpakita sa akin si Liam at nang makausap ko si Katrina.

Nakapagtataka na parang wala sa kanila ang nagpaparamdam matapos noon.

I was expecting after that night na gagawa na sila ng paraan para kaladkarin ako pabalik ng bahay.

I was actually preparing for that day to come.

Siyempre ayaw ko namang madamay si Glaiza at yung mga bata.

May nangayari kayang masama?

I immediately shook that thought away.

Mahuhusay naman sila sa pakikipaglaban at isa pa nandun naman sila Nana.

For sure kaya naman nilang pangalagaan ang kanilang sarili.

"Napakalalim naman ata ng iniisip mo."

Glaiza joined me sitting on the chair across.

I sighed relieving myself from the growing anxiety.

"Nag-aalala kasi ako sa pamilya ko. Nakakapagtaka lang na ilang araw na silang walang paramdam. I know they're facing a big problem right now and I should be there taking responsibility." Sabi ko habang nakatingin sa tasa ng kape ko.

"Why aren't you there then?" Walang kaamor amor niyang tanong.

Yung tipong napipilitan lang siyang makinig sa mga sinasabi ko.

I lift my gaze facing her with a frown.

Warka talaga ang babaeng ito.

Ganyan ba siya manligaw?

She just smile at me. Took my cup and have a sip.

"Hey! I'm not sharing that!"

Protesta ko at agad na binawi ang kape ko sa kanya.

Pero wala na nakainom na ang warka.

"We just had an indirect kiss" Ngingiti niyang saad.

"Indirect kiss mo mukha mo. Ang aga aga nambubwesit ka" Sabi ko sabay inom ng kape.

It's too late when I realize it's a wrong move.

"You just did it again. See?" Mas lalo lumapad ang ngiti niya.

"Glaiza! Baka gusto mong masunog ulit?" Pagbabanta ko sa kanya.

Parang wala lang sa kanya ang inis ko at nakuha pa akong tawanan.

"Baliktad na talaga tayo ngayon ano?"

Ano daw?

Baliktad na kami ngayon?

Bago pa man ako makapagtanong what does she mean by that statement bigla ulit siyang nagsalita.

"Pwede kong kitain sina Chynna para mabawasan ang pag-aalala mo."

"Gagawin mo yon?"

"Oo. Anything for you Princess" She said sabay abot sa kamay ko.

I would lie if I would say na hindi ako affected sa sweetness niya but I just feel that something's not right.

Bago pa man niya pagdiskitahan ang pamumula ng mukha ko agad ko nang binawi ang kamay ko at pinitik siya sa noo.

"Aray naman. Nagkabaliktad nga. Ikaw pa rin ang mapanakit" Bubulongbulong pa narinig ko naman.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

Naguguluhan ako sa kanya.

Bakit pa nga ba ako nagugulat?

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant