Chapter 17

250 20 6
                                    

"Bakit hindi bumubukas ang lagusan?" Palihim na tanong ni Luna kay Mira habang sinusubukan nilang buksan ang lagusan pabalik sa Encantadia nang hindi napapansin ng dalawa pa nilang kasama.

"Hindi ko rin alam."

"Siguro kailangan nating hanapin si Edeya Pirena"

"Iyon rin ang naiisip ko ngunit hindi ko matandaan kung saan natin sila hahanapin. Hindi ko rin maaaring gamitin ang ivictus katulad nang ginawa ko kanina." Saad naman ni Mira.

"Paano na tayo makakabalik sa Encantadia nito?...Teka hindi ba't nandito ang lolo mo sa mundo ng mga tao Kahlil. Baka sakaling matulungan niya tayo" - Lira.

"Ngunit hindi ko batid kung saan at kung papaano natin siya matatagpuan Lira." Sagot naman ni Kahlil na ikinadismaya naman ng nakatatanda niyang kapatid.

"Kung ganoon tanging si Hara Pirena na lamang ang makakatulong sa atin" - Luna.

Napalingon naman sa kanya ng may pagtataka ang magkapatid na sanggre.

"Si Ashti Pirena? Nandito siya sa mundo ng mga tao?" Di makapaniwalang saad ni Lira.

Lumingon naman si Luna kay Mira na tila nagsasabing siya na ang sumagot sa mga katanungan nito.

"Oo Lira. Madalas na nagagawi rito ang Hara. Ngunit hindi ko tiyak kung nandito na siya ngayon pagkat sa aking pagkakaalam ay nasa Encantadia siya kanikanina lamang." - Paliwanag ni Mira.

"Alam niyo ba kung saan natin maaaring matagpuan si Ashti Pirena?" Tanong naman ni Kahlil.

Umiling na lamang ang dalawa bilang tugon.

"Hay...Try na lang nating hanapin si Ashti. Mag-ikot ikot tayo. Malay mo makasalubong natin siya sa kung saan." -Lira.

At iyon na nga ang kanilang napagkasunduang gawin. Sinubukan nilang iwasang mapadaan sa mga lugar kung saan maraming mga tao ngunit tila imposible ito.

"Wala ka ba talagang matandaan sa lugar na ito Lira?" Tanong ni Mira.

"Wala bes. Nakikilala ko pa ang mga kalsada at mga kalye pero saan naman natin hahanapin si Ashti Pirena?" - Lira.

"At kung mahanap nga natin siya walang kasiguraduhan na tutulungan niya nga tayo." - Kahlil.

"Oo nga. Baka mamaya itaboy lang tayo nun o kaya gamitin nanaman para makuha ang iba pang brilyante kay Inay at sa mga Ashtis of Encantadia." Dagdag pa ni Lira.

Hindi naman nagustuhan ng dalawang may dugong Hathor ang kanilang mga sinabi tungkol sa kanilang Hara.

"Tutulungan tayo ng Hara. Hindi siya kasinsama ng iniisip ninyo" Saad ni Mira na hindi napigilang ipakita ang kanyang inis sa kanyang pananalita.

Marami siyang nais sabihin upang maipagtanggol ang kanyang Ina ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili alalang-alang sa mga bagay na nakasalalay rito.

"Poltre Mira. Luna. Batid naming matagal nang nananahimik ang mga Hathor ngunit hindi ninyo kami masisisi kung hindi namin magawang pagkatiwalaan ng lubos ang inyong Hara. Marami siyang nagawang hindi maganda sa amin na kanyang mga kadugo at sa buong Encantadia." Paliwanag ni Kahlil.

"Nasasabi ninyo lamang iyan palibhasa wala kayong alam sa mg-"

"Sheda Luna. Tama na." Pagpigil ni Mira kay Luna bago pa ito may masabing hindi dapat dahil sa bugso ng damdamin.

"Ngunit Mira. Hahayaan mo na lang n-"

"Tama na sabi! Hindi ito ang panahon para pagtalunan natin ang mga bagay na iyan. Mas higit na kailangan nating pagtuonan ng pansin ang kasalukuyan nating suliranin. Kaya't hanggat maaari ay iwasan sana natin ang magtalo. Kailangan natin ang isa't isa lalo na sa panahong ito." - Mira.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now