Chapter 6

346 24 4
                                    

Hey readers! Sorry natagalan ang update. Binagyo kasi.
Nawalan ng kuryente at internet.

Anyway, please expect many flashbacks in this story hehe

.............................................................

CASSIOPEIA'S POV

Ilang oras pa lamang ang nakakalipas nang sumikat ang araw dito Encantadia ngunit ano't tila biglang maggagabi na?

Walang ipinapakita sa akin ang aking mga mata ngunit pamilyar sa akin ang enerhiyang unti-unting lumulukob sa paligid kasabay ng kadiliman.

"Hindi ito maganda..."

Batid kong hirap si Pirena na mapabalik rito si Rhian at mas lalo itong hihirap dahil sa pagbabadya ng isang panganib na tiyak kong sila ang sadya.

"Pirena. Nawa'y patuloy kang gabayan ng mga mabubuting bathala na nagtakda sa iyo sa tungkuling ito. At sana ay sapat na rin ang aking mga ginawa upang maihanda ka sa anumang magaganap"

FLASHBACK

"Pirena" Pagtawag ko sa batang sang'gre na sa ngayon ay nahihimbing pa sa kanyang silid.

Hindi ako maaaring tumuntong sa Lireo dahil sa sumpa ni Emre sa akin kaya kinkausap ko siya sa kanyang isipan.

"Cassiopeia? Ikaw ba iyan?" Bumangon siya habang kinukusot ang mga mata.

"Ako nga Pirena" Sagot ko.

"Ngunit...nasaan ka?" Ani nito habang pinipilit na mapanatiling bukas ang kanyang mga mata.

Paumanhin mahal kong sanggre. Ngunit kailangan nating magsakripisyo para sa kinabukasan ng buong Encantadia.

Hindi na ako sumagot bagkus ay dinala ko na lamang siya sa aking kinaroroonan.

"Avisala Pirena. Paumanhin kung kinakailangan kong gambalain ang iyong pamamahinga" Bati ko sa kanya habang siya naman ay lumilingalinga sa paligid.

"Hindi pa sumisikat ang araw" Nakabusangot na sambit niya.

"Mahihirapan akong ipuslit ka sa labas ng palasyo kung nakapaligid sayo ang mga kawal at iyong mga dama. Kaya't minarapat kong ngayon tayo magkita. May mga mahahalagang bagay kang dapat malaman bago natin tuluyang masimulan ang iyong pagsasanay" Mahabang paliwanag ko ngunit tila naiidlip pa rin ang kanyang isipan kung kaya't mukhang hindi niya naman naunawaan ang aking tinuran.

Inilahad ko sa kanya ang aking kamay.

Bakas man ang pagtataka sa kanyang mukha ay inabot pa rin niya ito kasabay ng aming paglaho.

"Bakit tayo naririto?" Tila biglaan namang nagising ang kanyang diwa nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aming mga balat mula rito sa himpapawid.

"Dahil mula rito ay kita natin ang buong Encantadia"

"Natatanaw nga natin lahat mula rito ngunit karamihan sa bahagi nito ay nababalot pa ng dilim." Ani niya at sumandal sa gilid ng sasakyang panghimpapawid habang nakadungaw sa baba.

Totoo ngang halos lahat ng bahagi ng Encantadia ay madilim. Maliban sa Lireo na sadyang kumikinang at nagliliwanag sa dilim at sa Hathoria na napapaligiran ng dagat na apoy na nagbibigay liwanag sa kaharihan sa gabi.

"Hindi tayo naririto upang namnamin ang kagandahan ng Encantadia sa tuwing nababalot ito ng liwanag. Naririto tayo upang malaman kung ano ang iyong nakikita ngayong kakaunting liwanag lamang ang iyong nasisilayan. Pagmasdan mong mabuti Pirena. May kakaiba ka bang nakikita?"

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now