Chapter 7

325 23 2
                                    

RHIAN'S POV

"Avisala Rhian. Nandito ka lang pala"

Napalingon naman ako sa likuran kung saan nagmumula ang tinig.

There's a woman na may pamilyar na marka sa left side ng mukha niya. I just can't remember where I've seen that before.

The woman herself is familiar with me and though I can't remember I could easily tell na hindi siya tao.

Isang babaeng nakagayak pandigma na kung isa kang tao ay mapagkakamalan mo siyang cosplayer.

Hindi ko rin maipaliwanag ngunit bigla akong kinilabutan sa kanyang presensya.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala? At bakit mo ako hinahanap?!" Lakas loob ko siyang hinarap.

She smirked.

"Kailangan ng aking panginoon ang iyong dugo."

Ano? Ang aking dugo?

At sinong panginoon ang tinutukoy niya?

"Ang kapangyarihang taglay ng aming dugo ay isa sa pinakaiingat-ingatang lihim ng aking angkan. At kamatayan ang iginagawad sa sinumang hindi kadugo na makakatuklas nito sinasadya man o hindi." I said at akmang magpapalabas na sana ng apoy upang tupukin ang lapastangang ito ngunit biglang may tumapik sa aking balikat dahilan upang maantala ang aking binabalak.

Muntik ko nang makalimutang nandito si Liam.

I turn to look at him and our met once again.

What's really with those eyes? Why do I suddenly feel...

....connection?

"Umalis na tayo" Sabi niya na ikinagulo naman lalo ng isip ko.

Hindi kami magkadugo ni Liam kahit pa parehas kaming Hathor ngunit tapat na tagapaglingkod sa amin ang kanyang angkan sa mahabang panahon kaya't alam niya ang aming lihim.

Isang mahigpit na tagapagpatupad ng batas ang pamilyang pinanggalingan niya at ni minsan ay hindi nila inurungan ang isang laban kahit buhay pa nila ang kapalit.

Nakapagtataka lang ngayon na parang gusto niyang tumakas.

"Hindi pwede. She obviously committed a crime Liam. We need to do what's needed to be done" I said full of conviction at muling hinarap ang warka kung sinuman siya.

"Hindi ko alam kung anong kaugnayan mo sa mga nilalang na nagtatangka sa buhay ko pero nais kong malaman mo na hindi mo ako makukuha ng buhay. Hindi mo mapapakinabangan ang aking dugo." Saad ko at handa nang lumaban.

"Makinig ka naman Rhian. Umalis na tayo rito." Pagpupumilit ni Liam na naging dahilan upang mainis ako sa kanya.

"Since when did you become a coward?!" Singhal ko sa kanya.

"I'm not being a coward. I'm just being wise!"

Sasagot pa sana ako ng bigla kong maramdaman ang nakakakilabot na presensya mismo sa aking likuran.

Isang matalas na bagay ang nararamdaman kong tumutusok sa aking batok.

Damn it!

Ang aking kahinaan!

"Kung hindi pa kayo tapos magtalo pwes ako tapos nang makinig sa inyo kaya kukunin ko na ang aking pakay"

Ipinikit ko ang aking mga mata at inihanda ang aking sarili sa pagtagos ng patalim sa aking balat.

Naranasan ko nang masugatan sa batok noon kaya't ngayon ay batid ko na kung gaano ito kasakit.

"PASHNEA!!!"

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now