Chapter 19

310 17 2
                                    

RHIAN'S POV

"Napakaweird niya talaga kahit kailan." Nasabi ko na lang sa sarili ko matapos magwalk-out ni Glaiza sa di ko malamang kadahilanan.

"Baka naman po masama lang ang pakiramdam"

Napalingon naman ako and found the kid whose name is Lira if I'm not mistaken.

"Moody po talaga yon si Ash- Tita Glaiza. Minsan mabait naman pero madalas beast mode. Masanay na po kayo sa kanya. Mukhang pinaglihi po kasi siya sa sama ng loob" Dagdag pa nito.

Ha? Si Glaiza? Pinaglihi sa sama ng loob?

She speaks like she knows Glaiza really well.

"Matagal mo na bang kilala si Glaiza? Kilala mo ba ang pamilya niya?" Usisa ko

"Uhm matagal tagal na rin po. Pero hindi kasintagal nina Luna at Mira. At oo naman po. Kilala ko ang buong pamilya niya." Confident na sagot nito.

"May kamag-anak ba siyang nagngangalang Pirena?"

Hindi mahirap na tanong pero hindi ko maunawaan kung bakit parang bigla siyang natigilan dahil sa tanong ko.

"Uhm...w-wala po akong natatandaang Pirena." She answers like her confidence just drop drastically to the bottom from its highest peak.

Kind of suspicious.

"Bakit niyo po naitanong? Sino po ba si Pirena?" She ask so eagerly for some reasons.

"She's someon-...anyway, Glaiza just reminds me of her... Someone who's really close to me...in a romantic level maybe... Hindi ako sigurado pero the point is magkamukha talaga sila ni Glaiza so sometimes it confuses me. Pero I know for a fact na imposible namang maging siya si Glaiza."

Hindi ko alam kung bakit ko ba sinasabi ito sa batang ito.

"Bakit naman po imposible?" Tanong niya ulit.

"Dahil sure ako na mas bata pa si Glaiza kaysa kay Pirena..." Paliwanag ko.

Inaasahan kong maguguluhan siya sa sagot ko but to my surprise she looks like she gets it.

Ako naman sana ang magtatanong sa kanya nang bigla namang magring ang phone ko.

Wrong timing!

I excused myself and went to the veranda before answering the call.

"What?" I greeted her unamused.

"What?! Anong what?! Rhian this is outrageous. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga kung ano ang nararamdaman mo at lalong hindi ko rin sinasabing tanggapin mo na lang kung anong gusto nilang mangyari sa buhay mo. Buhay mo yan pero may kinakaharap na isang malaking suliranin ngayon ang buong angkan. Kailangan ka rito. Umuwi ka na at harapin mo ang problema wag mong takbuhan. Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon"

Yan ang sermon sa akin ni Katrina mula sa kabilang linya right off the bat. Walang patumpik tumpik.

I know she'll be like this. She's very tactless, straightforward and I shouldn't be surprised.

Siguro dapat hindi ko na sinagot ang tawag niya.

Pero teka lang...

"Anong sinasabi mong malaking suliranin?"

I could imagine her rolling her eyes right now.

"Dumarami ang bilang nang nawawalang mga Hathor. Mga Hathor na kadugo mo Rhian. Hindi tukoy kung sino ang may gawa but they suspected na it's the same people behind sa mga pagtatangka sa buhay mo. Kaya umasa ka na gagawin nila ang lahat ng hakbang para mapabalik ka dito. Mapanganib kung mananatili kang malayo sa amin Rhian."

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now