Chapter 21

457 23 11
                                    

LIRA'S POV

"Kahlil. Saan na tayo pupunta ngayon?"

Nadito kami ngayon sa tabi ng kalsada.

Napakaraming tao at sasakyan kaya naman masyadong mausok.

Medyo nasanay na kasi ako sa fresh air ng Encantadia.

"Hindi ko alam Lira. Basta ang alam ko, kailangan nating lumayo kay Ashti Pirena"

"Ewan ko ha. Pero hindi talaga maganda ang sense ko dito sa ginagawa natin. Sa tingin ko dapat nagstay na lang tayo doon kay Ashti Pirena." Reklamo ko naman sa kanya.

Inaantok pa ako eh. Pagkaaga-aga ba naman niya akong ginising.

Wala nang escape plan wala pang escape vehicle kaya ayan tuloy lakad kami ng lakad.

"Hindi naman siguro masama kung pagkakatiwalaan natin siya once in a while diba? So far wala pa namang ginagawang masama si Ashti Pirena sa atin." Dagdag ko pa.

"Iyon na nga ang mas nakapagtataka at mas nakababahala Lira. Bakit tila bigla na lamang siyang naging mabait sa atin?Naniniwala ka ba na wala siyang gagawing masama? Na magbabago na lamang siya bigla bigla. Na maaari na natin siyang mapagkakatiwalaan? Paano kung gamitin niya tayo laban sa mga magulang natin at kay Ashti Danaya?"

Andami namang tanong. Mahina ang kalaban kaya hindi naman ako agad nakasagot.

Pero may point naman kasi talaga siya.

May pagkaechusera pa naman iyon si Ashti Pirena.

Hay naku mother earth! Bakit ang gulo! Nakakalurkey!

"Mga diwata!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang tumawag sa amin.

"Vedalje!" - Kahlil

"Ma-mga...mga hadezar!" Kinakabahan kong sambit.

Gumagalaw ang aking mga paa ngunit IN PLACE!

Pashnea naman!

"Lira takbo na!"

Hinila naman ako ni Kahlil sabay takbo ng mabilis.

Nagkabangabanga na kami sa nakakasulubong namin. Nagpagulong-gulong sa lupa. Nakasira na rin kami malamang sa mga nagtitinda sa bangketa pero no choice kami.

Sorry na lang muna sa kanila.

Kailangan naming makalayo sa mga pashnea.

Takbo kami ng takbo ni Kahlil hanggang sa makarating kami sa part ng city na medyo secluded.

Hanggang sa wala na kaming matakbuhan.

"Patay! dead end" Nasabi ko na lang habang nakatingin sa mga papalapit na hadezar.

"Lira mag-evictus na tayo."

"HA?! Kakaloka ka! Ba't ngayon mo lang pinaalala?!"

Jusko! Kanina pa kami takbo nang takbo. An dami naming napagdaanan kanina may iba naman palang paraan para matakasan tong mga pashneang ito!!

Pero bago pa man kami tuluyang makaalis ni Kahlil ay bigla na lang bumulagta yung mga kalaban namin at biglang nagliyab.

Nagkatinginan kami.

Pareho naming hindi alam kung ano ang nangyari.

"Mga ashtadi!" Biglang may nagsalita mula sa aming likuran at pareho kaming nakatanggap ng batok ni Kahlil.

Aray naman.

Hindi naman kailangan pang manghula kung sino yun di ba?

"Ano ba ang inyong ginagawa?! Hindi niyo ba naisip na kung sakaling naiparating ng mga hadezar na iyon kay Hagorn na namataan kayo rito ay lalong manganganib ang mga buhay natin?!" Sermon sa amin ni Ashti Pirena.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin