Chapter 2

590 29 0
                                    

GLAIZA'S POV

Tanakreshna!

Iniwanan ako ni Rhian matapos naming makarating sa venue ng party.

Sa palagay ko'y hindi niya talaga ako gusto pero trabaho ko naman ang bantayan siya. Hindi siya maaaring mawala sa paningin ko.

Pero di ako pinapapasok nung mga bantay dahil wala raw ako sa listahan ng mga tinatawag nilang "guest". Narentahan yata ang buong lugar.

Di na ako nagpumilit pa. Maraming media sa labas baka mamamaya sumikat pa ako rito ng di oras.

Mahirap na.

Pero pano na to?

Bwesit! Unang gabi pa lamang ito at masyado na akong pinapasakitan.

"Kailangan kong huminahon. Hindi ako maaaring mabigo." Sambit ko sa aking sarili.

Napasandal na lang ako sa sasakyan para mag-isip ng paraan kung paano ko masusundan si Rhian sa loob ng hindi nagkakaproblema pero lalo lamang nitong pinapaiinit ang ulo ko.

Gusto ko na sanang sunugin ang buong lugar kung hindi lang dumating ang isang pamilyar na sasakyan malapit sa sasakyan ni Rhian.

Napangiti ako nang bumaba na ang sakay nito.

Dahil rin dito ay nawala bigla ang inis ko kaya naman agad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit.

"Oh! It's you sweetie. I miss you." Gumanti din siya ng mahigpit na yakap at hinalikan ako sa pisngi.

Agad namang napukol sa amin ang mga atensyon ng mga media sa labas. Kinukuhanan kami ng litrato at naiirita na ako sa nakakasilaw nilang kagamitan.

Pashnea talaga ang mga warkang ito!

Ngunit hindi ko naman sila masisi. Sapagkat mali rin ang aking hakbang na lapitan agad ang nag-iisang Max Collins.

"Invited ka ba sa party?" Tanong ko sa kanya ng maghiwalay kami pero naka-akap pa rin siya sa braso ko. Pinilit ko na lamang na hindi pansinin ang mga mapang-usisang tingin ng mga tao sa paligid.

"Yes. Naging producer ko rin kasi sa isang project yung may party.Ikaw? Why are you here?" - Max

"I need to get inside" Diretsong sagot ko sa kanya.

Tiningnan niya muna ako na parang nagtatanong kung seryoso ako bago siya muling nagsalita.

"Fine. I'll help you but I need to know why. Nag-artista ka na rin ba? Hindi mo man lang ako sinabihan Sweetie. Nakakatampo." - Max

"What? No! I'm Rhian's bodyguard" Sagot ko at nagulat naman siya.

"Rhian? As in the Rhian Ramos? Kailan pa to? Why are you only telling me this now Glaiza? Nagpapadalos dalos ka nanaman ba ng desisyon? Alam mo ba kung ano tong pinapasok mo ha?" Sunudsunod na tanong niya nang napakaseryoso.

"Relax Max. Hindi na ako bata. I know what I'm doing. And please understand. Naipaliwanag ko na ito sayo." I pleaded.

"Ok. Fine. I do understand why you're doing this but Glaiza...bakit kailangang bodyguard pa? Pwede ka naman maging make-up artist or PA niya di ba? Bodyguard talaga ang inapplyan mo. For heaven's sake. Delikado ang mga taong humahabol sa kanya. Baka naman one day hindi ka na makauwi niyan at mababalitaan ko na lang na may masamang nangyari sa kanya kasama KA." - Max

"She already have those. She doesn't need another one and besides...There's no thrill on that kaya hayaan mo na ako. Like I said I know what I'm doing."

Mas mainam na ang trabahong ito para sa akin nang sa ganoon ay maprotektahan ko si Rhian habang hindi pa niya magagawang mapangalagaan ang kanyang sarili.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now