Prologue

276K 4.6K 6K
                                    

End.

Ano ba ang kasunod ng salitang 'yan?

Sabi nila, kapag tapos na, tapos na.

Sa essay, iyon ang concluding sentence. Sa libro, ang huling pahina. Sa kuwento, ang huling kabanata.

Sa buhay ba, iyon ang huling segundo? Is that the only end we can experience in this lifetime?

Ang weird kung gano'n. Buhay pa naman ako, pero hindi ko na mabilang kung ilang beses kong naramdaman ang pagtatapos.

Relasyon.

Pahinga.

Kasiyahan.

Pero hindi ang pagsubok.

So ano nga ang kasunod ng wakas?

"Hoy!" Hinila ni Gen buhok ko. Pakiwari ko ay kanina pa ako tulala. "Alam mo kung ano man 'yang laman ng isip mo, mamaya mo na ulit isipin kung gusto ko mabuhay. Muntik ka na mabunggo sa poste, tulala ka pa rin."

Bumalik ako sa huwisyo dahil sa sinabi niya. Hinanap ko pa ang poste sa paligid para masiguro kung totoo ba. Minsan kasi mema 'tong si Gen.

"Iniisip ko lang kung bakit ang ganda ko. Ang hirap pala sagutin kasi ang daming dahilan. Eh, ikaw—"

"Anong nangyari sa mukha mo?"

Dinuro ni Winowa ang mata ni Gen bago ko pa magawa. Epal, iyon ang itatanong ko, e. Tinalo ni Gen ang eyebags ko sa itim ng mga mata niya.

"Pinagpantasyan na naman niya iyong mga koryanong singkit." Ako ang sumagot. Tutal, wala pa sa hulog 'tong katabi ko.

"Bobo mo. Koryano nga, malamang singkit." Nagsalita ang die-hard fan.

"Bakit may Koryano namang hindi singkit, ah?" Buwelta ng isa. "Tulad mo. Half Filipino, half feeling Koryano. Malaki ang mata pero maliit by height." Tumawa si Winowa.

Hinila ni Gen ang buhok nito habang sarkastikong tumatawa. Sineseniyasan pa akong samahan siya. Ito namang si Winowa na nagsimula ng away, nananakal na.

"Kaysa naman sa 'yong nagpapantasya sa mga Hollywood stars na hindi ka kilala."

"Ang mahalaga, naiintindiha ko ang mga sinasabi nila. Eh, ikaw? Ano ang sa 'yo lang ang alam mo."

"Shunga! Annyeonhaseyo 'yon! At saka may iba pa akong alam, 'no. Saranghae. Saranghae, Gang Tae ssi. Saranghandago! Saranghandanikka! Jjinjja neomu neomu saranghae!

"Oh, ano? Ang haba no'n, 'di ba? Hindi mo 'yon alam. Hindi mo maintindihan."

"Bakit ikaw, alam mo?"

"Hindi rin." Tumaas ang kilay ng babae at pinagpatuloy ang pagsabunot sa kaibigan.

Nasa gitna nila ako, kulang na lang magpatayan sila ngayon. Para akong EGO sa pagitan ng ID at SUPER EGO. Kaka-Philosophy ko 'to.

"Exo bakla!"

"Yes, they are gays!"

"Exo supot!"

"Pero talented!" banat ni Gen.

At nagsinghalan na ang mga bata.

"Tumigil na nga kayong dalawa." Pumagitna ako sa kanila. "Pareho lang naman kayong hindi kilala ng mga idols niyo, huwag na kayo magtalo. Tinatawag niyo pang mga asawa, eh, kayo lang naman ang may alam." Inakbayan ko sila pareho para mapaghiwalay.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now