Chapter 4

91K 3.1K 2.6K
                                    

"Madlang tao, baba na raw. Tayo na lang hinihintay sa gym."

Nagsalita si Trisha sa harapan. Ngayon pa lang kami magbibihis para sa P.E. Kanina pa nasa baba 'yung ibang strands. Dinaanan na nga kami ni Darwin dito para sabihan.

"Mauna na magbihis ang mga babae. Lumabas muna lahat ng bakla," natatawang sabi ni Rence. "Isarado niyo na lang ang mga bintana at kurtina. Lalabas muna kami," sabi niya sa amin.

"Oo tama, kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan," si Gian.

"Kala mo naman ay may makikita sa 'yo," buwelta ni Rence.

"Tangina, walang sisilip, ha," si Gen na nag-aalinlangan.

"Bilisan niyo lang. Tayo na lang hinihintay sa baba. Masasabihan na naman tayong worst section niyan."

May point si Rence. Pero mabait si Sir Luigi, hindi 'yon gano'n. Magagalit mana pa. Sabay-sabay kaming mga babae na nagbihis sa loob.

"Ang papangit ng bra niyo. Want niyo umorder sa 'kin ng bra? Natasha mga, sissy." Nagawa pang isingit ni Anna Rose 'yung business niya, nagmamadali na nga kami.

"Samm, si Winowa nasaan?" tanong ni Gen.

"Sa CR nagbihis. Baliko 'yon, alangan namang dito?"

Nagmadali kaming lahat at naghihintay ang mga lalaki sa labas. Pagbukas namin ng pintuan, bihis na rin pala sila.

"Saan kayo nagbihis?" tanong ni Eriz sa lahat.

"Dito, saan pa ba? Tatagal niyo, nagagalit na si Sir Luigi."

"Linya na, linya na! Huwag kayo magtulakan pababa. Walang sunog!" Sigaw ni Trisha. Sa halip na kabahan dahil masesermunan kami mamaya, natatawa ako sa sitwasyon namin. Tarantang-taranta kaming lanat. Ang iba ay baliktad pa ang pagkakasuot ng shirt.

"Charity, hindi ka maliligaw sa school niyan," biro ni Winowa.

"Hayaan mo na. Wala akong titirahan kapag binagsak ako ni Sir. Mamaya na baliktarin."

Nakababa na kami nang maalala ko  ang assignment ni Luke. "Wait lang, may naiwan pala ako sa itaas." Nailakas ko ang boses kaya narinig nilang lahat. Tinakbo ko ang room namin at kinuha ang notebook ni Luke. Nakasabay ko pa sa hallway ang mga STEM students. Akala ko ba ay kami na lang ang hinihintay? Siraulo talagang Darwin 'yon!

Sakto at kasunod ng STEM ang GAS pababa ng building. Hinanap ko si Luke. Nasa dulo siya ng linya.

"Assignment mo," ani ko. "Ilalagay ko muna sa room niyo para hindi mo dala-dala hanggang baba."

"Bakit kasi ngayon mo lang binigay? Kanina ko pa 'to hinihintay, Samm.".

"Sorry na, nakalimutan ko," sabi ko.

Umalis siya sa harapan ko at bumalik sa room nila. Natanaw ko si Noah na nasa likuran lang kanina. He looked at me from head to toe. Sikmuraan ko kaya siya?

"You're tolerating tardiness, Samm."

"Ano na naman?"

"You're doing his assignment, tapos siya pa ang galit? You're allowing him to treat you like that? You're crazy, Samm."

Umirap ako. "Hindi naman ikaw ang boyfriend ko," sabi ko.

"Yes, I'm not. I won't ask my girlfriend to do my assignments," aniya at sumunod sa mga kaklase.

Hinintay ko makabalik si Luke para sabay kaming bumaba. Mukha siyang wala sa hulog ngayon, ang sama ng mukha.

"Luke, galit ka ba? Sorry na. Puwede mo naman siguro ihabol na i-pass 'yon kay Ms. Berondo."

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now