Chapter 7

77.8K 3K 899
                                    

Para akong tinangay ng hangin noong mga sumunod na linggo. Wala akong lakas gawin ang mga bagay na normal kong ginagawa sa araw-araw. Ang dami ko ngang tambak na gawain dahil ayaw mag-function ng utak at katawan ko.

Patuloy lang ang pag-iwas ko kay Tito. Halos hindi ko na nga siya nakakasalamuha sa bahay. Every time I see him, I get anxious. Hindi ko masabi kay Tita o kahit sa mga kaibigan ko ang nangyari dahil hindi ako handa.

I thought I just have to be brave to defend myself. Magkaiba pala ang pagiging malakas sa pagiging matapang. I'm brave yet susceptible of being weak. Naiinis ako sa sarili ko. Puwede ko naman kalimutan na lang 'yon pero hindi ko magawa.

"You're not replying to my chats and calls, Meriah."

Nagpunta ako sa room nila Noah. Binasa ko ang chat niya pero sa halip na sumagot sa mga tawag niya, nagpunta na lang ako.

"Anong matutulong 'ko sayo?" tanong ko.

Nagbago ang kaninang mabigat niyang aura nang magtanong ako. Katulad ng lahat, nanibago siya sa akin. Sinalat ni Noah ang noo ko, then my neck.

"Are you sick?" Kaya naman pala niyang magsalita nang hindi pagalit. Sana ganiyan siya palagi.

"Matagal pa 'ko mamamatay," sabi ko. "Bakit ka nga tumatawag? Kailangan ko bang pumunta sa bahay niyo? May party o ano?"

Ganoon ang routine ko at least once a week. At kung noon, ayos sa akin na hindi nangingialam si Luke, it bothers me that he doesn't seem to care now. Na ayos lang sa kaniya kahit magkasama kami ni Noah. He started being cold after the night I told him I can't give what he wanted.

Tangina lang, bumaba ang tingin ko sarili ko. Am I only a body? At kung tatanungin ako, aaminin kong sinubukan kong ibigay ang gusto niya. I just can't do it.

"My parents' anniversary is approaching. Pinapasabihan ka sa akin ni Jazmine. Are you up for Bora?" aniya.

Kung ako lang ang tatanungin, sino bang ayaw mag-beach? Pero maraming puwedeng dahilan para hindi ako makasama. Una, may trabaho ako sa palengke. Pangalawa, baka hindi ako payagan ni Tita. Pangatlo, laman ng isip ko si Luke.

"It's three days, two-night trip. Ayin would also be there."

Nag-isip-isip ako. "Gagawa ako ng paraan para makasama. Sana pumayag si Tita," sabi ko.

Tumang siya. "I'll drop by at your home later."

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Huwag kang mag-assume, I just want to see Aries," dagdag niya. Mabuti naman at nilinaw niya. Muntik na akong mag-isip ng kung ano.

Si Aries ata ang kaisa-isahang iniwan sa 'kin ng ex ko na hindi ko ma-let go. Aries is a gift from Noah. Hindi namin siya binili. Mula pagkabata, mahilig na ako sa aso. May comfort silang dala para sa 'kin. Tipong kapag pagod ka, yayakapin mo sila, tapos ayos ka na ulit.

Aries was a stray dog, abandoned and abused. Pagala-gala lang siya sa kalye. Ni-rescue namin siya ni Noah noon. Sobrang payat niya at maraming sugat. Ayaw ni Noah ng mga aso o kahit anong hayop.

Isang araw, he surprised me with Aries. Ilang beses niya muna akong tinanggihan na kuhanin si Aries. Siya ang kumupkop kay Aries noon dahil takot ako kila Tita. Na baka magulat sila at may dala na akong aso. Sobrang saya ko no'n kasi sweet pa 'tong lalaki na 'to. Minahal niya si Aries dahil mahal ko si Aries. Actually, kaya Aries ang pangalan niya ay dahil parehong Aries ang zodiac sign namin ni Noah.

Noong naghiwalay kami, kinuha ko si Aries sa kaniya. Wala siyang nagawa dahil kaya kong makipagsuntukan kung hindi niya binigay sa 'kin ang aso.

Pasimple tuloy akong nangiti sa mga naisip, remembering the old sweet Noah.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now