Chapter 19

81.9K 2.6K 2.2K
                                    

A/N: Hello, everyone. I'm not romanticizing rape in any way. The following chapters may trigger you more. It will show how a victim tries to cope and you will have a peek at how it affects her. May this be an eye-opener to all of us--that such things happen today and most victims hide in the corner without getting a cup of justice. If you are one of them, know that you're worth it as you were before it happened. Please, seek help if possible. May your voice be heard.

________

TW: Self-harm

Dinala ako ni Noah sa isang condo, malayo sa bahay nila. Sa parehong araw ay umalis siya para hanapin si Tito. Naiwan akong mag-isa sa condo noong araw na 'yon.

Inaasahan ko ang pagbabalita niya sa akin, pero wala akong narinig mula sa kaniya. Kung nagkita nga ba sila o nakapag-usap ni Tito. He came back and didn't say a word. Habang mabilis na lumilipas ang araw, nadadagdagan ang pag-aalala at takot ko.

Wala ako sa sarili parati dahil may laban ako sa loob ng ulo ko. All these radical thoughts are keeping me up all night, pero nasa tabi ko si Noah. Sigurado akong delikado na ang lagay niya sa PMA dahil sa pag-alis. Higit ko siyang kailangan para magmabuting itulak siya pabalik sa Baguio. Kailangan ko siya ngayon kaya hindi ko magawang paalisin.

"Just give me time, baby. I'll do what's right."

Hindi ko alam kung anong oras ang hinihingi ni Noah. Na parang mahirap ibigay ang hustisya sa akin ngayon kaya kailangan ko pa maghintay. Sa kabilang banda, naiintindihan ko siya. Kailangan niyang ipaliwanag sa pamilya ang nangyari. Pinili kong umintindi kaysa mag-isip ng mga bagay na ikababahala ko pero aware rin ako sa pwedeng mangyari.

"Kaya ko maghintay kahit ga'no katagal, basta mangyari ang tama, Noah," mahina kong sabi. "Tutulungan mo naman ako, 'di ba?"

Noah nodded at me. Hinalikan niya ako sa noo. "I'm sorry for what happened, I should've been there, hindi sana nangyari. I'm sorry, Samm. I'm sorry."

Sa nagdaang mga araw, halos paghingi ng tawad ang bukambibig niya. He's saying sorry for something he never did.

Alam ko noong mga oras na 'yon umaasa akong darating siya kahit imposible. I just wished he was there.

"I'll do everything to punish him. I promise he will suffer more than you did. I don't care if he's my father. Kung hindi ang batas, ako ang magpapahirap sa kaniya, Samm."

"If I fail to make him suffer. I will take the punishment. I promise."

Niyakap ko siya. I know how hard this situation isfor him.

Naalala ko ang bagay na pinanghahawakan ko ngayon. Noong time na nangyari ang bangungot, nagre-record ako ng supposedly presentation ko. Hindi iyon nahinto. Na-record ko ang buong pangyayari kung saan maririnig ang mga sigaw ko, ang mga daing ko at ang nangyayari. Sinubukan kong pakinggan 'yon, pero hindi ko tinapos, hindi ko kaya.

"What's this?" tanong niya nang ilapag ko sa dibdib niya ang cellphone ko.

"Evidence. Nai-record ko lahat, Noah."

Bumangon siya sa pagkakahiga at tumingin sa akin. Nanlulumo ang mata kong sinuklian ang tingin niya. Hindi ko mabasa kung anong nasa mukha niya pero mariin niyang hawak ang cellphone ko. Magkasunod ang malalim niyang lunok.

"It will help us with the case," aniya sa akin.

"Help me, Noah." Naiyak ako. "Pagod na 'kong manahimik. Gusto ko naman marinig. Tulungan mo ko."

Inako niya ako sa pagitan ng mga braso. Sinuklay niya ang buhok ko habang hinahagod ang likuran. Never did I feel safe more than I do when Noah is around.

After an End | Academy Series #3حيث تعيش القصص. اكتشف الآن