Chapter 25

92.1K 2.6K 1K
                                    

Mananatili dapat si Elle kasama sila Nadia at Paul pero dahil hindi ako mapapanatag na nasa isang lugar ang anak ko at si Noah, pinauna ko na si Elle na umuwi kasama ng caretaker niya.

Kasabay namin ang Philippine Army na magcheck-in sa hotel na pinili nila Nadia. Katangahan ko talaga ang hindi magbasa dahil isang linggo namin silang makakasama, meaning isang linggo akong magtitiis.

"Why did you send her home? I thought she'll be staying there for a week?" si Kael.

Nagbababa ako ng gamit ko. Iniayos ko na sa wardrobe ang mga damit na nakapares na para hindi ako mahirapan.

"Noah is here."

Natinig ko ang pagkagulat ni Kael.

"How?!"

"We're doing an outreach in collaboration with them. Hindi ko alam, hindi ko kasi inusisa 'yung plan na pinakita sa 'kin ni Nadz dati. Muntik pa akong mapahamak kanina. Mabuti na rin na umuwi si Elle."

Ihinilera ko ang mga sapatos sa sahig. Ibinaba ko ang cellphone sandali para magbihis. I changed from pants and shirt to a red nightgown.

"Will you be okay around him?"

Kumuha ako ng juice sa ref. Lumabas ako sa balcony ng kuwarto. Wind greeted me. Nilipad ng hangin ang buhok ko. The cold air is seething through the thin fabric of my nightgown. Dumantay ang mga siko ko sa guardrails habang hawak ng isang kamay ko ang cellphone at juice sa kabila.

"Wala naman akong dapat ikatakot, I'll be okay," sagot ko kay Kael.

"I'm worrying too much. I'm not okay knowing that Noah is there and you might see each other . . . a lot?"

Natitig ako sa singsing na hawak ko, I can not wear it. It has a big diamond on it and tiny little ones on both sides. Tumingin ako sa malayo.

"Wala namang mangyayari o magbabago kahit minu minuto ko pa siyang makasalubong o makita," I said.

Ginalaw ko ang baso para lusawin ang yelo sa juice. I drank the remaining drink in the glass and put it down on the small table beside me.

"I hope so," mahina niyang sabi. "You should go to sleep, Samm. I'm sure you're tired from working all day. I'll pay a visit to your house tomorrow to see Elle."

Ngumiti ako sa kawalan. "Thank you na agad. Matulog ka na rin, inaantok na ang boses mo. Mamaya pa ako after dinner."

"Eat a lot and don't starve yourself. Good night."

"Hmm," I hummed and ended the call before he could.

Tumitig ako sa screen ng phone ko.

Why can't I love you, Kael? Hindi ka naman sana mahirap mahalin. You're a good person, you could be a good father to Elle. Nasa 'yo na lahat, bait, itsura, talents. Mahal mo 'ko, you never hurt me in any way. Mahal mo ang pamilya ko at ang anak ko. Why can't I say yes to you when it will just take one word to change what we are?

Umihip ang hangin kaya natinag ako. Nilalamig na ako sa nipis ng suot. Papasok na sana ako sa loob nang may biglang nagsalita mula sa kabilang balcony.

"Miss him?"

Naihawak ko ang kamay sa dibdib dahil sa gulat. I even cursed and he heard it. Nakahilig ang katawan niya sa barikada at nakaharap sa gawi ko. Naninigarilyo siya.

"Nandiyan ka pala?" I didn't meant to sound sarcaatic but it was the very first thing that my mouth said. Gulat pa rin akong nandiyan siya. Iniisip ko kung kanina pa siya dahil hindi ko napansin.

"I was here before you." Ibinaba niya sa ashtray ang sigarilyo.

Ang plano kong pagpasok sa loob ay hindi natuloy dahil magmumukha akong bastos. Our last conversation didn't end well, pero ayoko rin naman magpakamaldita dahil mas mahihirapan akong pakitunguhan siya. I don't want to appear bitter as well.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now