Chapter 2

104K 3.5K 3.9K
                                    

"Babe?"

Nakaupo kami sa bleachers habang ang mga tropa ni Luke ang naglalaro sa basketball court. Nagkakapagpahinga siya dahil may pumalit sa kaniya. Pustahan ata 'tong laro nila.

"May sinasabi ka?"

Kinuha ko ang panyo kong dala at tinulungan siyang punasan ang pawis. Nilabas ko 'yung baon kong malamig na tubig at binuksan para sa kaniya. Matamis siyang ngumiti sa inaakto ko.

"Ang sweet mo nitong mga nakaraang araw. I appreciate your efforts, Samm."

"Marami kasing ginagawa sa bahay noon. Knows mo na, naghahanap din ako ng trabaho ngayon. Babawi naman ako sa 'yo," sabi ko. Pinunasan ko ang tubig sa gilid ng labi niya.

"Take your time. Naiintindihan ko naman." Ngumiti siya at inakbayan ako. Pinanood namin ang laro ng mga kaibigan niya. Nag-e-enjoy siya, samantalang ako naghahanap ng tamang tiyempo para magpaalam.

"Luke, may laro ka ba sa twenty?" Panimula ko.

"Twenty?" Sandali siyang nag-isip. "Wala, bakit? Gusto mo lumabas tayo?" Mukha siyang excited.

"May pupuntahan kasi ako sa araw na 'yon. Sa bahay nila Noah." Diretso kong sinabi dahil mahirap ang paligoy-ligoy pa. As expected, gulat ang lumapat sa mukha niya.

"Anong gagawin mo sa bahay no'n?"

"Kasi ganito . . ." Huminga ako ng malalim bago magpaliwanag. "Noah is my ex."

"Wait," putol niya sa akin. Gulong-gulo ang hitsura niya. "Who's Noah?" Hindi pa pala siya nararating ng tsismis tungkol sa bagong RK?

"Ito na nga. Si Noah 'yung bagong transferee sa CA, ex ko. Nag-break na kami more than a year ago. Pero 'yung family niya, hindi alam na wala na kami."

"So?" Iritadong tanong ni Luke. "Sabihin niyang wala na kayo. Ang laki ng problema niya."

I expected this.

"Luke, kasi 'yung Mommy niya, may sakit. Napalapit ako sa Mommy niya kasi dati madalas ako ro'n tapos ako 'yung nag-aalaga. Bawal 'yon magulat, alam mo na."

"Pupunta ka sa bahay ng ex mo bilang girlfriend niya?"

"As a fake girlfriend, okay?"

"Parehas lang 'yon, Samm." Galit na ang itsura niya. Lumayo siya sa akin at nakakuyom ang kamay na nanood ulit.

"Sasabihin din ni Noah na hindi na kami eventually, Luke." Nanunuyo ko siyang niyakap. Hindi niya ako tinignan. Hindi rin ako tumigil sa pangungulit.

"Nagpapaalam ka talaga sa 'kin para dito? Do you even understand that we're in a relationship, Samm? Dapat, kung ano man ang meron sa inyo ng ex mo, tapos na. It's not your problem anymore. Unless, gusto mo rin?"

He has a point though. Naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganiyan. We're in a relationship after all. Hindi naman sa gusto ko magpanggap, gusto ko lang tulungan si Noah.

Lol. Pareho lang 'yon.

"Fine, sorry na. Hindi na 'ko pupunta."

Ayokong i-save si Noah kung relasyon naman namin ni Luke ang magkakalamat. May ibang paraan pa para masolusyunan niya 'yung problema niya.

I was about to say it when Luke grabbed my hand. Kinulong niya ang kamay ko sa dalawang kamay niya. Kalaunan, tumingin siya sa 'kin.

"May feelings ka pa ba sa kaniya?" tanong niya. I laughed cause I find it ridiculous. Seryoso?

"Luke, sayo na nanggaling. We're in a relationship. Ano to, joke? Bakit ako papasok sa isang relasyon kung may feelings pa ako sa ex ko?"

His jaw set. Nanahimik siya at pinagpatuloy ang panonood. "Ayaw kitang payagan, Samm. Natatakot akong baka kung saan mauwi 'yang minsan mo."

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now