Chapter 18

82.6K 2.9K 3.5K
                                    

TW: Rape

Take the TW seriously and proceed only if you can handle such theme. Thank you.

"When did eating ice cream become tiring?"

Patingin-tingin si Kael sa gilid, tinitira ako ng mga mapanukso niyang tingin.

"Baliw, nakakapagod kaya mag-ikot-ikot kanina. Ang dumi ng utak mo," ani ko.

Tumawa siya. He looked at me with doubt on his face, like he was sure I'm lying.

"Wala pang baril si Noah, pero . . ." Sinadya niyang hindi ituloy ang gustong sabihin para maintriga ako.

Bahagya ko siyang sinabunutan. Kung wala lang kami sa highway, sinakal ko na rin siya. "Pero ano? Ha, Kael?"

"Wala."

Sumandal ako sa backrest at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Siningkitan ko siya ng mga mata. "Kumain lang kami ng ice cream. Kung ano-anong iniisip mo. 'Yan ba ang side effect ng pagiging single?" tanong ko na may kasamang pang-aasar. "Magjowa ka na nga, para bumalik ka sa katinuan."

He shook his head and smiled. "I will rather be single than force things to happen," aniya. "Neither did I rush myself nor close any doors, Samm. Wala pa lang akong nahahanap."

Napairap ako. He is a good man. Saka sa bait, talino, at guwapo niyang 'yan, nakahilera na sa kaniya ang pagpipilian. Magtuturo na lang siya kumbaga, meron na.

"Ang pihikan mo kasi, reto ko sana kaibigan ko sa 'yo. Ano bang hanap mo?" tanong ko habang inaalala si Gen. Kay Winowa ko kaya siya ireto? Baka magsuntukan sila.

"Nahanap na ng iba." Sumagot si Kael matapos ang sandaling pananahimik.

Umubo ako para linisin ang lalamunan. "Marami namang iba pa, hindi ka mauubusan. Gusto mo bigyan kita?" tanong ko.

"Gusto ko ikaw," sabi niya.

Bumaba ang parehong gilid ng labi ko sa kung gaano kaseryoso ang mukha niya nang sabihin 'yon. Kumurap-kurap ang mata ko hanggang sa matawa ang lalaki.

"You're always funny, Samm. I'm joking, okay?"

"Tangina mo kasi, hindi nakakatawa, Kael," ani ko at binato siya ng mga gamit na makita ko sa harapan. "Kaya ka single! Kasi ganiyan ka, nakakaasar ka."

"Chill, I'm kidding. I'm moved on," natatawang sabi ng lalaki.

"Dapat lang, five years na."

Tatlong taon na kami ni Noah, six years knowing each other and five years having his friends as mine too. Noong naging kami ni Noah, lahat ng sa kaniya, sa akin na rin. His family, his friends, his home. Halos lahat. Doon ako pinakasuwerte.

"I remember. My Aunt's dog just gave birth to five puppies. You like dogs, right? Want one?" tanong ni Kael.

"Talaga? Anong aso?"

"Pomeranians. They're cute, I swear. You'd love to have one."

"Hindi muna siguro," sagot ko.

Kael raised an eyebrow. "Why?"

Natural na sa pagkatao ko ang maging malapit sa mga hayop, especially with Gen and Winowa. Chos! Especially with dogs I mean. Walang araw na hindi ako ngumiti kapag nakakakita ng mga aso, kahit sa daan lang.

Pero simula noong nawala si Aries, wala na ulit akong naging aso. Kahit pa ilang beses na akong tinanong ni Noah kung gusto ko ba ulit mag-adopt.

The truth is, gustong-gusto ko. Nakakatakot nga lang. Nakakatakot dahil alam kong they won't last as long as I will live.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now