Chapter 5

84.5K 3K 1.4K
                                    

"Kamusta? Kasya ba?"

Ipit ng tenga at balikat ko ang cellphone habang nakikipaglaro ako kay Aries. Tumatawag si Azel kaninang nasa jeep ako, hindi ko masagot kaya ako na ang tumawag pagkauwi ko.

"Saan mo kinuha ang pambili nito? Mahal 'to. Sa palengke lang, may tigdadalawang daan."

Sumimangot ako kahit pa hindi niya naman ako kita dahil katawagan ko lang. Na-receive na nila 'yung sapatos na pinadala ko last time.

"So ayaw mo? Ang hirap kong pumili ng kulay, magrereklamo ka lang pala," kunwari ay nagtatampo kong sabi.

"Hindi ako nagrereklamo. Sayang kasi, mukhang mahal 'to, swak naman ako kahit sapatos sa bangketa."

Minsan na nga lang sila magkaroon ng mamahaling sapatos, nanghihinayang pa. Walang masama kung minsan maranasan naman niya magkaroon ng mamahaling gamit. Kung mayaman ako, hindi lang 'yan ang ibibigay ko sa kaniya at kila Mama. Kaso hampaslupa pa ako ngayon.

"Ang tanong ko kasi ay kung kasya ba, ang dami mong sinabing walang connect," ani ko.

Tumawa siya. "Kasyang-kasya. Mahal mo talaga 'ko, pati size ng paa ko kabisado mo." Narinig ko siyang lumabas ng bahay.

"Naman! Ikaw paborito kong kapatid." Palibhasa dalawa lang kami kaya wala akong choice. "Pati nga size ng brief mo, alam ko."

Hindi ko siya kita pero ramdam ko ang pag-asim ng mukha niya sa pangbubuyo ko. Ayaw pa naman nitong bine-baby siya, baby pa nga siya para sa 'kin.

"Walang nakakatawa, Sammantha." Seryoso ang boses ng kapatid ko.

"Aba wala kang galang! Nasa'n 'yung Ate? 'Yung po? Pinalaki ba kitang ganiyan? Kaya hindi ka ma-crush back niyang gusto mo, napakabastos mo sa 'kin," ani ko.

"Hindi ako naka-crushback dahil hindi ako umaamin. Ang dami ko pa kasing problema, mahirap na maging taken ngayon."

Natawa ako. Confident lang namana nito sa 'kin. Tapang ng hiya. "Lakas mo naman, lods, pahaplos nga."

"Eto si Mama, kakausapin ka raw," bigla ay sabi niya. Natahamik sila saglit. Nailayo ko pa ang cellphone sa tenga ko nang magsalita si Mama at sobrang lakas.

"Sammantha!"

"Mama, wala ka na sa palengke, baka gusto mong hinaan ang boses mo. Nakakatulig," I said.

"Sigaw ko ang hele mo noong bata ka, ngayon ka lang nagreklamo. Kamusta ka na riyan?

Hindi ko maintindihan kung bakit masaya naman ang boses ni Mama pero naiiyak ako. Kaya minsan ay ayaw ko silang naririnig, nananabik lang ako lalo. Gusto ko na ata umuwi.

"Ayos lang ako rito. Kabahan ka na, kapag umuwi ako, mas maganda na 'ko sa 'yo."

"Magtigil ka at mali, Summer. Walang kupas ang alindog ng Mama mo. Kaya nga nakaubos na naman ako ng paninda," masayang balita ni Mama. "Mabenta ang isda ngayon, alas-tres pa lang ay nag-aayos na 'ko."

Hindi ko napigilan na hindi ngumiti. Nagtatrabaho rin ako sa palengke ngayon pero hindi ko masabi. Siya pang iisipin ni Mama. Ayaw kong alalahanin nila ako rito.

"Nakita mo na ang sapatos na binili ko sa 'yo? Maganda? Puwedeng panglalad. Puwede mo na palitan si Papa," sabi ko. Malakas na tumawa si Mama.

"Kahit kaya, ayaw ko na. Hawak ko nga itong pinadala mo. Aba't parang sinukat sa paa ko. Malambot, hindi masakit sa talampakan," masaya niyang sabi. Buo na agad ang araw ko marinig lang ang matinis na boses ni Mama.

"Kaya lang ba't ganon, nak? May keychain pang kasama, papel lang naman."

Noong una, kumunot ang noo ko sa pagtataka. Akala ko may free keychain na 'yung nike. Naisip kong baka tag 'yung sinasabi ni Mama.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now