Chapter 27

86.7K 2.9K 728
                                    

"There is a news circulating that you are seen hanging out with someone last month. Is it true that you're in a relationship?"

Hinawi ko ang buhok ko. I breathed silently so I won't appear nervous when I am dying inside. Itinapat ko ang mic sa bibig ko at tumingin sa babaeng nagtanong. I really hate question and answers portion of mallshows. Paulit-ulit na lang ang tanong nila.

"I've already answered this question in my previous interviews but for those who are not able to watch, I'm gonna answer you. I'm not in a relationship right now. I want to focus on my career and fall in love with it before falling in love with someone." I faked a laugh.

May tumayong isa pang babae mula sa dagat ng mga tao. Nilapitan siya ng staff para abutan ng mic.

"Why were you seen going to a condo with the guy if he's not your boyfriend?" tanong niya. Nagtanguan ang mga tao na animo'y sang-ayon sa kaniya.

My fingers rubbed my thighs under the table. Hindi ako nakapaghanda ng script.

"He is a f-friend I haven't seen for a while. We accidentally met in the gym and decided to have a small talk in his condo." Namamawis ang kamay ko.

Small talk. What a freaking term.

May ilan namang kumagat sa paliwanag ko. Halos manlumo ako nang may magtaas ng kamay ay tumayo. May script pa ata siya sa cellphone niya. He's glancing on his phone.

"Sabi mo aksidente lang kayong nagkita sa gym, but there are articles showing pictures of you with the same person noong outreach ng Avery Cosmetics sa Bulacan. Anong masasabi mo?" The guy asked.

Demuho. Iyon ang masasabi ko. Hindi ko nakita lahat ng news and articles na nagkalat sa internet dahil wala akong masiyadong oras tignan lahat. I'm busy practicing my walk all the time.

Malay ko bang may article rin tungkol sa amin noong outreach.

"That was back in December, it's already February. Hindi ba matagal na 'yon? We haven't met since outreach. We used to hang out every week when I'm not busy. I've been preparing myself lately for Meilleure so I was happy to meet him and talk a little."

Tumango ang lalaki. He looks satisfied with my answer. Ibinalik niya ang mic sa staff at umupo. Nakahinga ako nang maluwag. Wala nang sumunod na nagtanong tungkol sa amin ni Noah.

"How do you prepare for Meilleure fashion week? Kailan ka lilipad papuntang Paris?"

This is more tiring than interviews on air. Hindi nauubusan ng tanong ang mga tao. Nakangiting nagtanong ang babae kaya biniro ko siya.

"Kapag nagkapakpak na ako. Hopefully this week, tubuan na ako sa likod," I said. The whole crowd laughed. "Joke lang. I've been preparing since January. Dieting, going to the gym . . . Currently, I'm focusing on my walk and posture. By the end of the month, I'll be off to Paris. Sana talaga tubuan na ako ng pakpak this week."

"The best of luck to you." She showed her fist and cheered me up. Ginaya ko siya.

Malapad akong nakangiti nang sunod-sunod silang magtanong about sa paghahanda ko sa fashion week. Iyon ang mga tanong na hindi nakakapagod sagutin.

"Let's give thanks to Summer for joining us today. We all know that she's busy but she still managed to come here and answer our queries."

"Thank you for having me," I said.

"Let's support her on the upcoming fashion week in Paris very soon—"

Naantala ang pagsasalita ng emcee nang may magtaas ulit ng kamay. The same guy earlier stood out of his seat. Nagdalawang isip ang staff kung ibibigay ang mic sa kaniya dahil tapos na ang Q and A. Tumingin ang staff sa akin.

After an End | Academy Series #3Место, где живут истории. Откройте их для себя