Chapter 24

93.1K 2.9K 2.3K
                                    

"Rein, can you get me another signing pen?"

Lumabas ang P.A. ko para ikuha ako ng hinihingi. I am signing few magazines that just got released. Ito 'yung project ko na sa Davao kinuha four months ago pa. Kahapon ko pa sana 'to trabaho pero wala ako sa mood kaya ngayon ako nagmamadaling pumirma.

"Dalawa na 'yan," ani Rein at iniabot sa akin ang pen.

Natawa ako. "Salamat." Mukhang malaki na ang galit niya sa 'kin at ilang beses ko na siyang pinakuha.

I wasn't at my best yesterday dahil sa naging pag-uusap namin ni Noah. It was just heavy for me. I'm battling with my thoughts on whether my decision not to tell him the truth is the best option.

"Hello, busy lady."

Dumating si Nadia dala ang anak niyang babae, si Rielle. Mas matanda siya kay Elle ng isang taon. Ang cute nga, pareho silang may Elle sa pangalan.

"Ang ganda, sigurado kang anak mo 'yan?" biro ko kay Nadia.

She made a face. "Nagsalita ang hindi kamukha."

Nadia is one of the people who knows I have a daughter. Kaya bukod sa boss ko siya, adviser ko rin ang babae. We just bond like workmates kasi mabait siya.

"Hi Tita, what are you doing?" Lumapit sa akin ang bata at tumabi sa sofa. Pinanood niya akong pirmahan ang mga magazines.

"Signing magazines." Inayos ko ang buhok niya. "Ang pretty naman ng hair, who made your hair?"

"Daddy!" Nilaro niya ang buhok na hati sa dalawa at naka-braid. Ineechos ko lang siya, hindi pantay 'yung tali niya.

"Next time, kay Mommy ka na magpatali, ha," bilin ko sa bata kaya natawa si Nadia.

Sumama lang sa paghatid si Rie sa Mommy niya at kinuha na rin ni Paul. Umupo si Nadia sa harapan ko at kumuha ng isang magazine. Binuklat iyon ng babae. Smile drew on her lips in the first flip of a page. Sinulyapan ko ang hawak niyang magazine. It was me on a daring pose wearing a lingerie.

"You're acing these concepts, Samm. Wala bang plano ang Mirasol maglabas ng lingerie?"

"Depende kay Kael, kapag naisipan niya, pero duda akong maghimala. Kilala na ang brand for cute and simple fashion style. Mag-iiba kapag hinaluan niya ng mga ganito."

Nadia stuck her tongue out. Ibinaba niya ang magazine sa lamesa ko. "Baka ayaw ka lang pagsuotin ng sexy clothes," aniya. Nang-aasar ang kilay ng babae.

"Bakit ko nga nagagawa? He doesn't care what I wear as long as I'm not uncomfortable."

"He's letting you wear anything because he wants to give you freedom and you're comfident wearing it. Pero kung siya ang masusunod, ayaw niyang magsuot ka ng mga ganiyan."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Nagpatuloy ako sa pagpirma. "Sinabi niya sa 'yo?"

She chuckled. Kumuha siya ng chips sa pantry ko. "He can't look at your billboards," natatawa niyang sabi.

"Malamang nagmamaneho, Nadz. Sa kalsada siya titingin, hindi sa billboards." Pinagpatong-patong ko ang isang grupo ng magazine at iginilid sa lamesa. Sunod kong pinirmahan ang isang set.

"Ako ang nagmamaneho that time, hindi siya. I purposely pointed your billboard to tease him. He didn't look. Sabi niya, nakita na raw niya."

"Nakita na pala. Bakit pa niya titignan?"

Tumawa ulit ang babae pero mas malakas na. Naupo siya sa elbow rest ng upuan ko at saka ako inakabyan.

"Ang obvious niyo, ano ba kayo?" Binulungan ako ng babae.

After an End | Academy Series #3Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin