Chapter 14

84.7K 3.4K 3.3K
                                    

"Samm, come here and join us. Gising ka na pala. Ipapagising pa lang sana kita kay Nics. Come here."

Nagising akong mag-isa na lang sa kama kaya bumaba ako sa sala . Hindi ko inaasahan na madadatnan ko silang kumakain.

"Good morning, nak. Did you sleep well?" si Tita Kate.

"Pumasok si Noah. He thought you need a rest so he didn't wake you. Rest assured you're excused. Mom made an excuse letter for your teachers," ani Ate Nics.

"Noah asked me to prepare your medicine, here it is. Nadurog ko na, but you have to eat first before taking it," si Ate Jaz.

"Do you eat rice in the morning? We have bacon, eggs, meat, toast, and salad. Do you want something else?" tanong ni Ate Nics.

"Also, may cake sa ref. If you want some sugar rush early in the morning, feel free to get," dagdag ni Ate Jaz.

Nakatingin silang tatlo sa akin at nagtatanong. Natulala ako. They're all naturally good to me, pero alam ba nila kung bakit ako nandito ngayon?

Hinipo ko ang batok. Wala sa bokabolaryo ko ang mahiya, pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon. "Tita, Ate Nics, Ate Jaz . . . Uhm . . . Ano kasi—"

"You don't have to say something, Samm. Noah explained everything," paninigurado sa akin ni Ate Nics.

Kinagat ko ang labi sa hiya. Alam na pala nila? Ayos lang sa kanila? Sobra na ata 'to, ang VIP pa ng treatment nila sa 'kin.

Nag-usap kami ni Noah kagabi. Tinanong niya ako kung gusto kong umuwi sa Tarlac. I said no. Hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil gustuhin ko man ay mas makakabuti kung hindi ako uuwi.

He told me I can stay here as long as I want. He offered me to live in his house for free. Normal bang tanggapin ko 'yon? Ayos lang bang kumapal ang mukha para may masilungan ako? Because I said yes.

"Sam? Hello? Can you hear me? Natulala ka na." Tumawa si Ate Nics.

"Nahihiya kasi ako sa inyo. Ang buti niyo sa 'kin, kahit wala akong ambag sa buhay niyo," ani ko.

Ngumiwi si Tita Kate. Itinulak niya ang sariling wheelchair para lapitan ako. "There's nothing to be shy about, Samm. You make my son happy, that's enough. And you're no stranger to us. Don't say that."

"You don't know how excited I was when Noah told us you're gonna stay here in the house!"

"With that voice of yours, she already know," pambabara ni Ate Jaz kay Ate Nics. "Tama si Mom, Samm. You know naman that you're already part of this family."

Sumama ang loob ko. Anong mararamdaman nila kapag nalaman nila na nagpapanggap lang kami ni Noah na magjowa kahit matagal na kaming break? Kung umamin na kaya ako? Ayoko naman pangunahan si Noah.

"Thank you so much, hulog kayo ng langit sa 'kin, Tita, mga Ate. Salamat talaga." Yumuko ako para yakapin si Tita na nasa wheelchair. Nakisali ang dalawang magkapatid sa amin.

Pwede pa akong humabol sa ilang subjects namin, pero hindi na muna ako tumuloy. Mainit pa ang issue ko sa mga tao, baka maipit lang ako. Pinahinga ko ang unang araw ko sa bahay nila Noah. Kasama ko si Tita maghapon dahil nagsimula nang pumasok ng review center si Ate Nics. Si Ate Jaz naman ay nagtatrabaho na.

Inantabayanan ko ang pag-uwi ni Noah. Kakapasok pa lang ng kotse niya ay lumabas na ako para salubungin ang lalaki. Sakto at marami siyang dala.

"Hindi mo 'ko ginising," reklamo ko sa lalaki. Inabot ko ang mga dala niya, pero hindi hinayaang makuha 'ko.

"Do you feel better?"

Tumango ako. "Sinabi mo na pala kila Tita ang napag-usapan natin kagabi? Hindi ako prepared, Noah."

After an End | Academy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon