Special Chapter

125K 4.2K 3.1K
                                    

"Gaano kalawak?" tanong ni Winowa sa akin nang mapasadahan ng tingin ang deed of sale ng lupang binili ko.

"Ten hectares," sagot ko. "It can house thousand of dogs comfortably. Hindi na rin masama."

It's been a while since the last time I thought of Aries. Dumaan na ang ilang taon. Nariyang may anak na ako, may trabaho na, may asawa, pero hindi siya kailanman nabura sa puso ko.

There's really something in dogs that makes them special. They last shorter than humans. Maybe because they live every day like it's their last. They run, they bark whenever they wanted, they play and do what they like.

Siguro, iyon ang dahilan kung bakit kahit sandali lang natin silang nakakasama ay mahirap silang kalimutan.

"Anong sabi ng mga nakatira ro'n? Kailan ka ulit bibisita?" Naki-inom si Genevieve sa juice ko.

"Bukas pupunta ako. I'll meet them to say thank you."

"Sa lahat?" May tono ng pang-uusisa ang boses ni Genevieve at alam ko kung bakit.

They probably saw the names on the list of people living in the area. I was surprised to see it. Hindi ko alam na lumipat na pala sila.

Ginawang squatter area ng mga tao ang lupang 'yon na walang paalam sa may-ari. It's illegal. They know they need to leave as soon as possible pero hindi rin naman matitiis ng sikmura kong mawalan ng bahay ang maraming tao. I and the owner had an agreement. They can stay while the papers are being processed.

"Pupunta ako bukas, mag-aabot na rin ng kaunting tulong para makapagsimula sila," ani ko.

"Amen, St. Meriah. Pahaplos nga." Sinalat ni Winowa ang braso ko, nang-aasar.

"Sasama ba kayo?"

"May pasok bukas. Remember? Ibabagsak ko pa ang anak mo." Pilyang pinalipad ni Gen ang buhok sa hangin.

"Sabunutan kaya kita?"

"Pero in fairness, ang suwerte mo sa mga anak mo. Hindi ikaw ang kamukha."

Lumipad sa mukha niya ang lukot na papel na kanina ko pang pinaglalaruan sa kamay ko.

"Magaling pala ako kasi nasarapan si Noah, gano'n daw 'yon." I arched a brow like I'm proud of what I said. Sabay na ngumiwi ang dalawa, tila nandidiri sa akin.

Palibahasa parehong walang dilig. Forever na ata silang tigang! Chos!

Nag-stay ako sa office ng Mirasol ng ilang oras para makipagkuwentuhan sa dalawa. Kinabukasan ay tumawag si Kael para ipa-alam sa akin ang bagong project niya with LV.

"I'm still thinking what to wear in the event. Hindi ko mapagdesisyunan dahil gusto kong malaman ang opinyon mo. You know, you always know what suits me the best."

He looks excited. Kahit sa screen ko lang siya nakikita, I can feel his happiness. I always wish for Kael to find his true love. The love meant for him.

Indeed, love comes in different ways. It can be a person but it can also be a thing. It can be as simple as a song or as complicated as a poem. You can be in love with your hobby, your passion, or your job. Walang batas ang buhay na nagsasabing ang pagmamahal ay para sa tao lamang.

You can fall inlove even in small things without feeling the need to find another human being. Sa lagay ni Kael ngayon, nakikita kong mahal na mahal niya ang trabaho niya. He's complete alone, he doesn't need anyone.

"Samm? Whohoo? Are you still there?" Natatawa si Kael. Natulala kasi ako sandali sa kaniya. I didn't realize he was already showing the two clothes he designed himself.

After an End | Academy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon