Chapter 34

90.9K 2.7K 748
                                    

Tulala ako pagkauwi ko sa bahay. The confirmation is too heavy for me to handle. Ayokong tanggapin ang sinabi ni Noah.

Nasasaktan ako hindi lang dahil ama siya ng anak ko kung hindi alam ko ang pakiramdam. I can't help but think what he felt when his father did that to him. Ang hindi ko matanggap ay kung bakit hinayaan niyang gawin iyon ng Daddy niya.

Nabuhay ang poot ko para sa lalaki. He's dead but what he did needs more than death. Paano niyang natiis kahit ang sarili niyang anak?

I was sick the whole week. Everything seems to be tiring to me. Ni hindi ko malabas si Noah sa tuwing dadalaw siya sa bahay namin. Masakit ang makita siya.

Kung hindi ko pipilitin ang sarili kong pumasok ay mababaliw ako kakaisip sa loob ng apat na sulok ng kuwarto ko.

"Muntik ka nang umabot ng lunch, good mornoon?"

Si Nadia ang laman ng office ko. Pinagsisihan kong may spare key kami ng isa't-isa. Dito ba naman siya nagkakalat sa office ko.

"Ang saya mo. I can't relate," matamlay kong sabi.

"I told you not to work muna, bakit kasi pinilit mong pumasok?" Umupo siya sa harapan ko. Nakapadekuwatro siyang kumalumbaba sa table ko.

"I know you're dealing with something but I can't keep this from you."

"What?"

"I'm pregnant," aniya.

Nanlaki ang mata ko na bumaba agad sa tiyan niya. Buntis? Saang banda? "Hindi ako naniniwala, Nadia."

"For real! I have my sonogram." Naghagilap siya sa bag niya at inilabas nga ang sonogram. Inagaw ko sa kaniya 'yon.

She's pregnant? Tinignan ko ulit ang tiyan niya, pero hindi halata. Tumawa siya. Tumayo si Nadia at tumagilid para ipakita sa akin ang baby bump. That way, it's a little obvious.

"Anong masasabi mo?" Masaya niyang tanong.

I smiled at her weakly. Naalala ko kung gaano ako katakot noong nalaman kong buntis ako kay Elle. I only knew I was pregnant after the nightmare. Ako ang nagdala sa sarili ko sa hospital para kumpirmahin. I'm happy Nadia does not have experience that. I'm happy when people don't go through the same pain I've been through. Kaya siguro ako nasasaktan ngayon para kay Noah.

"Congrats. Masaya ako para sa 'yo. Ang daming time ni Attorney." Tukoy ko sa asawa niya. "Akala ko ba busy kayo?"

"May day off siya," aniya sa makulit boses.

Nag-ring ang phone ko sa ibabaw ng lamesa. Unknown number is calling me. Nakipagtalo ako sa isip ko kung sasagutin ko ba o hindi pero sinagot na ni Nadia. Siya rin ang kumausap doon.

"Hello, Sammantha speaking," pagpapanggap ng babae. "Oh, it's Elle."

Kumunot ang noo ko. "Paanong anak ko, eh, nasa school si Isabelle, saka wala naman siyang phone."

"Puwera biro," aniya at iniabot sa akin ang phone.

Kinabahan ako bigla. "Hello?"

"Hello, Mama." Si Isabelle nga.

"Anak, paano mo natawagan si Mama? Tapos na ba ang classes mo? Are you with someone?"

"Yes, Mama."

Nanlaki ang mata ko. "Elle, sinong kasama mo? Is it your teacher? Papa? Give the phone to him."

"No, Mama. I'm eating Mama. I'm at the restaurant in front of the school."

Napatayo ako. I grabbed my bag, ready to leave.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now