Chapter 22

83.5K 2.7K 2.3K
                                    

People come and people go. Ang iba nagtatagal, ang iba dumadaan lang sa buhay natin. Lahat sila parte ng istorya mo. Side characters kumbaga.

Some people will give you memories worth remembering. Some people will only leave you with trauma, fears, and pain that'll eventually turn out to give you the best lesson. You deserve all the credit for learning things from being hurt, not the people who hurt you.

All these realizations I had from the struggles I've gone through became possible because of me, myself. Ako ang naglakad, ang lumaban. Ako ang naglakas loob magpatuloy. They are only responsible for hurting me, I'm responsible for helping myself.

I am powerful, not because I wasn't scared but because I kept going on despite the fear.

Despite what they took, I am still whole.

"Way to go, Summer!" sigaw ni Nadia.

Ipinitik ko ang balakang sa kabilang direksyon para ma-emphasize ang hubog ng katawan ko. The camera flashed on me. I didn't flinch like I always do in the past.

"Look at the camera. Give me a sweet smile and 1, 2, 3 . . ."

Normal akong ngumiti. Si Elle ang iniisip ko palagi para normal ang dating sa picture. It never fails. I always look natural on pictures.

"Another pose. Let's do a beach pose this time . . . Yes, like that . . . Perfect."

Sinuklay ng kamay ko ang buhok pataas habang nakatingin sa gilid. Nakaawang nang bahagya ang labi ko at may emosyon ang matang nag-iinit. For another pose, I pierced my eyes on the camera and smiled sweetly.

Nangiti rin ang camera man at ang mga nanonood sa akin. Sa huling pose, I went for an innocent look. Nakakahiya naman sa suot kong inosente ang datingan tapos ang landi ng pose ko.

Modeling helped me to gain back my confidence. Na minsan kong nakalimutan isuot dahil sa mga nangyari. Sa loob ng ilang taon, hindi ko magawang tignan ang sarili ko sa salamin nang hindi nandidiri o nadudumihan. I lost Samm, the chic confident woman.

After endless days of trying to overcome her fears, she's home again.

"Thank you, everyone," ani ko sa lahat nang matapos na ang photoshoot ko. Lumapit sila sa akin para humingi ng autograph na masaya ko namang ibinigay.

Nakaupo si Nadia sa gilid kasama ang ilang staff. Naki-sit-in ako sa table nila. Kumakain ng junk foods ang babae, palibhasa tapos na ang shooting niya kahapon.

"Ang init! Pinawisan ako," aniya at nilaro ang buhok ko.

Umirap ako at nakiinom sa orange juice niya sa table. "I am named Summer for a reason," ani ko. Sinabayan niya pa ako sa huling salita. Naging personal tagline ko na rin 'yon sa paglipas ng panahon.

Matagal na si Nadia sa modeling industry. Ipinasok niya ako sa pagmomodelo. She's just one of the woman I look up to.

Naging close kami agad. Siguro, dahil parehas kami ng vibes. Maingay, maarte, makulit. Mas matanda siya sa akin pero ayaw niyang magpatawag ng Ate dahil babyface raw siya.

"May event ka today?" tanong niya.

Tumango ako. "Event marketing is life. Hinihintay ko na lang si Kael."

"Good luck, mahaba-habang interview ang mangyayari mamaya."

"Real-life horror story," I snorted. "Ikaw? May lakad ka ngayong araw?"

"Yes, pero not work errands. May date ako kasama ang ex ko," aniya.

Nagsalubong ang kilay ko. Tinawanan ng babae ang reaksiyon ko. She took a chip and ate it, laughing.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now