Chapter 11

75.9K 2.7K 1.5K
                                    

Kagat ko ang labi para maibsan ang ingay ng pag-iyak ko. Bitbit ko ang isang malaking bag na laman ang mga gamit 'ko. My cries and yells were useless. Walang epekto kay Tita ang pagmamakaawa kong huwag akong palayasin.

Malabo ang nangyari sa inaasahan kong kakahinantnan ng pagsusumbong ko tungkol kay Tito. I thought she would help me report her husband. Akala ko at iba si Tita kay Tito.

Sana una pa lang nalaman ko na na ganito ang kalalagyan ko. Sana hindi na lang ako nagsalita, hinayaan ko na lang sana katulad ng ginawa ko noong una.

Kung kaya ko lang sikmurain ang nangyari, hindi ako iimik. Pero sobra na, mas masahol pa sa impiyerno ang buhay ko sa bahay nila.

Nakasunod sa akin si Aries. Nakabuntot lang siya sa akin kahit saan ako dalhin ng paa ko. Naaawa ako sa aso. Hindi lang ako ang nawalan ng sisilungan, pati si Aries.

"Sorry, Aries. Kasalanan ko." Even dogs can feel emotions. Weird pero parang lungkot rin ang nakikita ko sa mata ni Aries.

Huminto ako sa tapat ng isang convenience store para magpahinga dahil kanina pa ako naglalakad. Umupo ako sa lamesa sa labas. Gustuhin ko man rin kasing pumasok sa loob para magpalamig sandali, ayokong iwanan si Aries mag-isa sa labas. Maraming gago sa paligid.

Tumalon si Aries sa tabi ko. Sumiksik siya sa akin na kahit hindi ako gumalaw ay nakapaloob na siya sa braso ko. He surely know how to initiate a hug. Hinaplos ko ang ulo niya. Petting a dog is very therapeutic, but it pained me seeing him down.

"Saan tayo pupunta, Aries?" tanong ko. "Gutom ka na? Bibilhan kita mamaya ng foods, hanap muna si Mommy ng puwesto, ha?" Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.

Naiyak ako sa sitwasyon. Ito na siguro ang pinakamahabang araw ng buhay ko. I still don't have the will to call for help. It's nothing to do with my pride, ayoko lang makaperwisyo.

Winowa and Gen would help me. Isang salita lang ang marinig nila, hindi sila magdadalawang isip na tulungan ako. Pero ayokong dumagdag pa sa problema nila sa bahay. Paano kung makagulo lang ako? Kasama ko pa si Aries kaya pahirapan ang paghahanap ng matutuluyan.

I thought of going to Luke pero sa dorm lang siya. And he shares with someone in single room. Nahihiya akong makisiksik doon.

I spent the following two days at the street. Kung saan-saan kami napapadpad at nagpalipas ng araw ni Aries. Ayos lang kahit magutom ako. Inuuna kong bilhan ng pakain si Aries.

Sa dalawang araw na 'yon, I was one of the beggars. Naranasan kong hindi makatulog dahil sa takot na baka may masamang tao sa paligid. Si Aries ang kayakap ko para tugunan ang lamig. It feels like waiting for something you don't want to come. Cycle ng paghihintay lumipas ng araw at pagdadasal na matapos na ang gabi. It's fvcking hard.

Mahirap ang buhay namin sa probinsiya pero at least doon, hindi ako nag-iisa. Kasama ko si Mama at Papa. Kasama ko ang kapatid ko. Sanay na ako sa hirap, pero hindi naman ganito.

It's hard because I have to keep it to myself alone. Paano akong uuwi na ganito ang kalagayan ko? Na walang dala? Na walang maitutulong kila Mama?

Kaya ako nagpunta rito ay para guminhawa sila kahit papaano. Pagbalik ko, magiging mahirap ang lahat. Maapektuhan ang pag-aaral ni Azel dahil makikihati ako sa pangangailangan. Ayokong mangyari 'yon.

Absent ako ng dalawang araw. Hindi ako makakapasok sa maraming dahilan. Naiwan sa bahay ang mga gamit ko, wala ako sa tamang huwisyo, ganito pa ang hitsura ko.

Winowa: @Sammantha bakit absent ka?

Gen: Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!

Gen: Sagutin mo!

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now