Chapter 31

92.3K 2.8K 2.1K
                                    

During weekdays, dumadaan si Noah ng bahay. Magtatagal siya ng ilang minuto para makita si Elle tapos aalis na. Hamak layo ng trabaho niya sa bahay, pero walang mintis, Lunes hanggang Biyernes ay hindi puwedeng walang Elle na sisigaw ng Papa habang patakbong lumalabas ng bahay.

In a short period of time, they developed an intimate bond. Iniiyakan na nga ako ni Elle kung minsan, nakikiusap na dalhin ko siya kay Noah. Hindi puwede dahil may trabaho ang lalaki.

Biyernes na naman ngayon kaya P.E. nila. My schedule were light these past few days kaya sa halip na pakainin sa canteen ay nagluluto ako at pinababaunan ko na lang siya.

Naghihintay si Elle sa sala habang ako ay inaayos pa lang ang baon niya nang may bumusinang sasakyan.

Masigla siyang tumayo. "Papa!" she yelled, stopping at the doorstep. Masaya siyang naghihintay kay Noah, pero si Kael ang iniluwa ng gate namin.

Naglahong parang bula ang ngiti sa labi niya. She looked disappointed. Kalaunan, mahinhin pa rin siyang ngumiti nang mapagtantong si Kael iyon.

"Good morning, Isabelle." Kinilik siya ni Kael papasok ng bahay.

"Good morning, Daddy. Why are you here?" inosenteng tanong niya.

Kumunot ang noo ni Kael. "Why am I here? I missed you and I'm here to take you to school. Didn't you miss Daddy?"

Niyakap ng bata ang lalaki. "I missed you too," aniya sa mahinang boses. "And Papa! I miss my Papa." Bigla ay lumakas ang boses niya.

Kinagat ko ang loob ng labi sa pagtamlay ng mukha ni Kael matapos iyong marinig kay Isabelle. He still managed to wear a smile and be silly with her.

"Ang aga mo ata," bati ko kay Kael. "Gusto mo mag-umagahan? Ipaghahain kita?" tanong ko.

"Sammantha Lorenzo would prepare food for me? Why not? I'll have a bite," ani Kael. Infairness, mukhang full energy siya ngayon.

Ipinaghanda ko ng pagkain si Kael, samantalang nakikipag-usap siya kay Elle na walang kinuwento kung hindi ang nagyari noong nakaraan pang weekend.

"We ate a lot of foods at the park, Daddy. Like cotton candies and hotdogs, fries and cupcakes, and also pizza." Lahat na ata ng pagkain binanggit niya. Kaya pala kinabukasan ay nagka-diarrhea siya. Noah spoiled her.

"Then?" Nakakalumbaba ang lalaking nakikinig sa bata.

"I and Papa tried the rides! In the roller coaster, we go like shoo, shoo, shoo." Iminostra ni Elle ang paikot-ikot ng roller coaster niya kuno. "We rode the carousel too, Daddy. And the swing that went like this." Iginalaw niya ang mga braso na parang nag-iiwi ng bata.

"Wow." Kael is smiling, but his reaction sounds sad to me.

"There were puppets around the park, Daddy. They were big and cute! They were bigger than Papa. I took pictures with them."

"Really?" He is trying hard to hold the conversation.

"It's on Papa's phone, Daddy. You will see, they are cute. We went there in the morning and then we went back home at night," aniya. Magsasalita na sana si Kael nang humirit pa ang bata. "I had so much fun, Daddy."

"That's great to hear, Elle. I'm happy you enjoyed it." Ngumiti si Kael bago tumingin sa akin.

I was smiling dahil sa kadaldalan ni Elle. Tinago ko ang mga ngipin nang makitang malungkot ang mukha ni Kael. Ibinaba ko ang mata sa sinasandok na kanin at ulam.

"Kael, handa na ang pagkain mo," ani ko. "Come here, Elle. You should eat with Daddy K."

Tumayo si Kael akay ang anak ko. "She haven't eaten yet?"

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now