Chapter 26

92K 2.6K 2.1K
                                    

Sa Tarlac kami nagpasko nila Elle. Si Kael ay kasama ang pamilya niyang nag-celebrate sa ibang bansa. They visited his grandparents in Switzerland.

Sinulit ko na ang holiday rest ko dahil sa susunod na mga linggo, puspos na ang paghahanda ko para sa pagpunta sa Paris. Hindi ko na maaasikaso si Elle.

Meilleure fashion week will happen three months from now. I'm coming there as a participant. Like girl, I will wear a designer's dress! Isa ang Meilleure sa pinakakilalang brand sa France ngayon.

"We're more excited than you are. Anong feeling?" si Nadia.

Inimbitahan ko siyang pumunta sa Mirasol dahil ibibigay ko ang Christmas gift ko kay Rie.

"Para sa anak mo. Sabihin mo galing sa pinakamaganda niyang Tita." I handed her the gift.

"I have a sister, si Ate ang iisipin no'n." Umupo siya sa couch. "Anyway, thank you for this. Sa debut na ni Elle ang regalo ko."

Inayos ko ang duffle bag. Nilagay ko sa loob ang damit pamalit mamaya at ang hydroflask.

"Hardworking, Momma. Gym ka today?"

I braided my hair on both sides. Nagsuot ako ng turban para walang kakalat-kalat na baby hair sa mukha ko. Inalis ko lahat ng alahas na suot.

"Sama ka?" tanong ko. "Aww, hindi puwede kasi may show ka pa mamaya. Kawawa mo naman," pang-aasar ko.

"Nagsalita ang may tatlong interviews this week," buwelta niya sa akin.

Ang asaran naming dalawa ay kung sino ang may mas maraming activities. I'm one of the hot topic kaya hindi ako magkandaugaga sa mga media'ng uhaw na makausap ako. Aside doon, I also need to prepare my body physically. I started my diet and I've been working out since the first week of the year.

I made it on the news. Bilang kauna-unahang Filipina model na inimbitahan ng Meilleure, naging matunog ang pangalan ko.

Pinauunlakan ko sila hindi para bigyan ako ng exposure kundi para ma-recognize ang Mirasol. It's the best way I can promote Kael's brand. As his brand ambassador, trabaho ko rin naman 'yon.

"Good luck on your show today. Nasa baba na raw si Kael." Isinukbit ko ang duffle bag sa balikat ko.

"Kayo lang dalawa? Ibang work out ba ang mangyayari?" she asked, laughing.

"Magpapahatid lang kami. Kasama ko ang mga kaibigan ko," depensa ko sa sarili.

Inaya ko sila Gen para hindi ako mag-isa sa gym. Kasama si Winowa na ngayon ko na lang ulit makikita dahil busy sa project niya.

"Architect Rive—gago, nagpagupit ka?" I freaked out. Mabilis akong sumakay sa kotse at tinignan ang kabuuan niya.

"Maganda ba?" Sinuklay niya ang maikling buhok gamit ang daliri. Nakangiwi na si Gen sa tabi niya.

"Hindi maganda, pero ang guwapo mo!" I hyped her. "Bagay sa 'yo! Nagmukha ka lalong mamahalin."

"Coming from you, Asia's next top model."

Hinampas ko ang hangin. "Malayo pa tayo ro'n. In fairness, bagay talaga sa 'yo. Baka hindi ka makilala ni Isabelle," I said. "Ikaw? Bakit ganiyan ang mukha mo? May nam-badtrip na naman sa 'yong estudiyante?"

"Ayoko na sa college, Samm. Papalipat na 'ko sa elementary."

Nailing ako. Mukhang malaki nga ang problema niya. Kael is quietly listening to us, secretly chuckling. Kahit ata hindi kami magkita ng isang taon nitong dalawa, maingay pa rin kami kapag nasa iisang lugar na. Iyon ang ikinatutuwa ng lalaki.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now