Prologue

5.9K 117 75
                                    

Fuck! Fuck! Fuck!

Late na ako! Shuta talaga!

Mabilis akong nagbihis, buti nalang tapos na ako maligo. Tangina Eve, first day na first day of school late ka!

Panay na ang tawag ni Raven sa'kin kanina pa.

Nakahinga ako ng maluwag, nang makasakay na ako ng tricycle. I quickly replied to Raven na papunta na ako.

"Bayad po, Monroe University!" Sabay abot ko kay Kuyang driver ng 10 pesos ko.

Nang marating namin ang labas ng Monroe, nagpasalamat ako kay Kuyang driver at nagtatakbo papuntang gate.

"Morning Eve." Bati ni Manong Peter, guard siya sa first gate. Close siya sa mga estudyante pero, kami lang talaga ni Raven ang nakakausap niya, simula noong student orientation.

"Good morning Manong Peter!" Ngumiti siya, kita niya sigurong nagmamadali ako kaya 'di niya na chineck ang bag ko.

Perks of being close to the guard.

Mabilis akong nagtungo sa Arts and Sciences na department. Hindi dito ang department ko, pero may shortcut kaming mga taga Education dito. Tabi lang kasi kami ng department.

Hindi ko pa pala suot ang student ID ko, kaya hinanap ko 'to sa bag ko. Sa kakamadali ko, hindi ko namalayan na may makakabunggo ako.

Parehos kaming natumba, nahulog pa 'yung salamin ko. Shuta!

"Sorry." Rinig kong sabi nito, babae base sa boses niya. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso at tinayo.

Wow, helpful.

"Here's your glasses." Sabay abot nito sa salamin ko. I don't have the perfect eyesight kasi. When I wore my glasses, muntik na akong mapamura nang makita kung sino ang nakabunggo ko.

My mouth went agape. Ang ganda niya, shuta!

"Sorry, hindi ko sinasadya, may hinahanap ako kaya hindi kita nakita. Sorry talaga."

Oh my gosh! Ang bait niya pa!

"A-ah okay lang. Hindi din kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko."

Ngumiti siya at napakamot sa batok. Hoy! Bakit ba ang ganda ng ngiti nitong babaeng 'to?

"Sorry again." Nag bow pa siya ng slight. Hutaena! Namula ako sa ginawa niya, may ilan pang mga estudyante na nakatingin sa amin ngayon.

"Uhm, nagmamadali na din ako, I have to go." Sabi nito, nakatunganga lang ako sa kanya sabay tango.

When she walked passed by me, I caught some of her scent. Ang bango niya pa.

Hindi ko maiwasang mapalingon, pero laking gulat ko nang yakapin niya ako mula sa likod.

Fuck!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko!

"A-ah anong g-ginagawa mo?" I felt blood rushed to my cheeks. Nahihiya ako sa pwesto namin. Tsaka ang ganda niya. Shemay! Nababading yata ako sa ganda niya. Tsaka ang bango niya pa. My gosh!

"Shh, uhm sorry to inform you but m-may tagos ka." Bulong niya sa may tenga ko. Tumama ang mainit niyang hininga sa tenga ko, at ramdam kong nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko.

Pero wait–ano daw? May tagos ako?! The fuck?! Sobrang nakakahiya!

"Here, I'll lend you my jacket." Sabi nito, ramdam kong inalis niya ang mga braso sa'kin, at may ipinulupot sa bewang ko. I watched her hands tied her jacket on my waist, para itago ang tagos.

When she's done, I turned to her.

"I owe you one." Sabi ko.

Ngumiti siya ng malapad. "No problem Miss. I really got to go." Mabilis siyang tumakbo sa kung saan.

Luci GracelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon