Chapter 23

1K 62 7
                                    

Luci Gracel

Anong "Will it be amazing if that someone would be me?"

Tangina!

Nagpatuloy ako sa pagtira ng bola sa ring.

Dumaplis pa nga. Kainis!

"Luci, a little out of it aren't we?" Pinagwalang bahala ko si Coach Evans at nag sign ng isa pa kay Mitch.

Pinasa niya naman ang bola sa'kin at tumira ulit ako. Daplis na naman.

Biglang pumito si Coach.

"Alright! Huddle up!"

Huminto kami sa mga drills at nagsitungo sa bench.

"Ladies, I want you to focus. Hindi porke't nanalo na tayo ng isa ay magpapakampante na tayo. We need three more wins to be in the best four for the semis." Isa isa niya kaming tiningnan.

"Yes Coach!"

"I'm gonna make some new plays and study the next opponent. Iba rin ang taga Javier mind you. Levi, take charge. Give me 10 minutes, maglalaro kayo."

"Yes Coach."

Umalis din si Coach at nagpunta sa opisina niya.

"Back to drills. Gracel I want those balls in the hoop, got it?"

Tumango nalang ako at bumalik sa court.

"Lu, anong problema?" I glanced at Xeah who's worried about me.

"Wala 'to."

"Stop lying to my face. Kilala kita. Ano bang problema? Nakatulala ka ever since you left first when we're at Rahi and Marceline's house."

Oo nga pala. Nauna akong umalis. Nag drive sa kung saan.

Naalala ko na naman ang reaksiyon ni Eba noong araw na 'yun.

Ba't ko kasi natanong 'yun?!

"Nag away ba kayo ni Eve?"

"Hindi naman." Kumuha ako ng bola at nag try tumira.

Buti nalang at pumasok. Jusko hindi ko alam kung ilang laps ang ipapatakbo sa'kin ni Cap if dumaplis pa ako.

"Then what's wrong?"

Tumira ako ulit. Pasok!

My smile returned gradually.
Another one.

"Is this related to the you know?"

Daplis ulit!

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Xeah.

"I don't want to talk about it."

She sighed. "Sige. But tell me if you need help. Tell us, okay?"

Tumango ako. 10 minutes later, naglaro kami.

Bumalik ako sa mood. Nakakatanggal talaga ng stress ang basketball. Nanalo ang team namin. Pero tinawag ako ni Coach.

"Luci, put your head on the game alright? Ayoko ng error lalo na pag galing sa'yo. Sa susunod na araw na ang laro against Javier."

"Don't worry coach. I'll score twice my score on the last game."

Napangiti naman siya.

"Atta' girl! You better do that. Or I'll bench you."
Napailing nalang ako.

"Ha! As if!"

Napangiti nalang siya at hinayaan na ako.

Most of the team are cleaning up already.

Luci GracelWhere stories live. Discover now