Chapter 6

1.1K 57 34
                                    

Luci Gracel

"Luci! Ang laughtrip mo dude!"

Napairap nalang ako kay Stacey. Bweset, nanunukso eh.

Kasama ko mga kaibigan ko ngayon. Tumatawa sila, pinagtatawanan nila ako dahil sa nangyari kanina.

Ang ending, nagkita kita kami ngayon dahil free cut kami lahat.

Yoj was amused by the bruised I got.

"I love Eve already. Tiklop ka pala 'dun eh."  Marceline said, teasing me in a voice that's kind of annoying for me.

Natatawa lang si Rahi dahil sa sinabi ng girlfriend niya.

"Didn't know Eve could punch you like that. Ano ba kasi ginawa mo?" Xeah asked kaya napatingin ako sa kanya.

"If I knew, edi sana hindi ako lumapit sa kanya no? Malay ko kay Eba at nanununtok nalang bigla." Sabi ko tsaka iniinda ang sakit sa kanang pisngi ko. I just  asked for a cold compress from the clinic.

"Tingnan mo oh, kuhang kuha ang video kanina." Stacey showed me her phone, naka post na sa gossip page 'yung video.

"You do know that Eve was posted on the gossip page, twice already. And all posts concerns you." Sabi ni Yoj kaya napatingin kami sa kanya.

"May version two pala ng Saint Chismax dito? Ang kaso lang, mukhang malala 'yung dito. Nasuntok si Luci eh. While Rahi, natusta lang ni Dragonang pinsan."

"Ano?" Marceline asked, Stacey nervously laughed. Natawa tuloy ako.

"Fixed this Lu. Nadadamay si Eve, clear things out. Wag ka na kasi mag fling dito sa University." Yoj reminded me and I nod.

Akala ko kasi matured na pag College eh. College girls look for fun, I guess it only applies to a College girl I know.

Tss.

"Aayusin ko 'to. Kaibigan ko din naman si Eba, ayokong napapahamak siya."

"Ehem, amoy trip to Palawan."

Inirapan ko nalang ang pa simpleng tukso ni Rahi. Bweset din.

"But seriously though, sana gawin ulit ni Eve. I'm enjoying watching Luci suffering like this." Marceline smirked. Dragona talaga.

"Nye nye nye!" I shot back.

Napailing nalang si Xeah.

The hours went by fast, and my phone was ringing right after dismissal came.

Unknown number, kanina din tumawag 'to. Kaya sinagot ko na.

"Hello?"

"Sa'n ka?"

Oh, si Eba pala 'to.

"Puso mo."

"Isa pang tarantadong sagot, I'll equally punch you."

Napahinga ako ng malalim at ngumiti. Brutal niya po. Nakakatakot pala inisin si Eba, she's too freaking violent.

"Patungo sa parking. Ikaw ba?"

"Hmm okay. Kita nalang tayo kina Brent."

"Mag co-commute ka?"

"Bakit? May problema?"

"Wala naman. Sabay na sana tayo kaso wala akong dalang kotse."

"Kung meron man, hindi din ako sasabay sa'yo. I had enough of those gossip. I wouldn't add another, sakit sa ulo."

I could hear the stress in her voice.

"Papano mo pala–"

Aba't ang bastos, binabaan ako ng tawag. Lagot ka sa'kin mamaya Eba.

Luci GracelWhere stories live. Discover now