Chapter 2

1.5K 70 25
                                    

Eve Morrison

Tahimik. Gusto ko 'to. 'Yung tanging naririnig ko lang 'yung mga huni ng mga ibon, mga tunog ng mga dahon na mabining hinahampas dahil sa hangin.

Payapa.

I was having my alone time dito sa likod ng department namin. May iilang estudyante din pero we're all minding our own business.

Halos ka department ko lang ang nandito.

Wala si Raven dahil may gagawin pa daw sila sa ibang minor subject nila. Nagbabasa ako ngayon ng notes. Advance reading ba.

"Eba!"

Napapikit ako dahil sa sumigaw.

Punyawa.

"Eba hoy!"

Wag kang lilingon Eve. Hindi mo 'yan kilala.

"Eba Morrison!"

Napatingin ako sa paligid only to found out na nakatingin ang lahat sa'kin.

Wala na akong nagawa. Na exposed na ako.

"Ano na naman ba Lucifer?!" Inis na tanong ko sa anak ng demonyo.

She just had that annoying smirk on her face.

"Wala lang." She said and casually sit down beside me.

Bweset lang!

"Wala naman pala eh, bakit kailangan mong tawagin ang pangalan ko?! Mali pa!"

She just chuckled.

"High blood ka na naman."

I took a sharp breath, para kontrolin ang temper ko.

Ever since na nagkita kami last week, noong kaganapan sa dorm ko. She had always been pissing me off.

Bweset siya. Nakakarindi na.

Idagdag mo po 'yung mga tingin na pinupukol ng ilang estudyante sa akin tuwing naglalakad ako. Pati si Raven napansin na din eh.

"Lucifer, pwede ba?"

"Jowain kita? Pwede naman." Sabi niya.

I scoffed.

"As if! Pwede bang bigyan mo naman ako ng konting katahimikan?!" Pigil inis na sabi ko.

"Ikaw 'yung nag-iingay Eba." Sabi niya, napatingin tuloy ako sa paligid and everyone is looking at us.

"Umiingay ako pag nakikita ko ang mukha mo!" I snapped. I took my notes back to my bag. Aalis na lang ako dito. Vacant ko pa naman sana. I should be enjoying my time if it weren't for this demonyita kong partner.

"Oh? Good to be me then. Ako nakakapagpaingay sa'yo." She winked and I swear, babaliktad na yata mga mata ko sa kakairap sa kanya.

"Pwede ba Luci? Ano bang kailangan mo?" I asked. Hindi 'to mambubulabog kung walang kailangan eh.

"Ikaw." Sabi niya.

Gulat akong napatingin sa kanya.

"Bakit?" Seryoso kong tanong.

"Kailangan ko ng taga pahid ng pawis ko mamaya."

Wtf?!

"Who you? Kapal mo naman!" Tumayo na ako, nabweset lang ako sa pagmumukha niya.

Akala ko pa naman she's just really wanted to be friends kasi ayaw niyang may pabuhat na partner.

Hindi ba nagrereklamo sila Xeah dito? Sucks to be them kung may annoying silang kaibigan.

Luci GracelWhere stories live. Discover now