Chapter 22

969 56 5
                                    

Eve Morrison

Ang boringggg! It's Ethics subject right now and Prof. Mananzares is just giving us paperwork, which is unusual really. Siguro wala siya sa mood magturo. Naubos na rin siguro ang energy niya sa kaka debate sa amin.

Kalahati naman na ako sa essay namin, and I am bored kasi ang tahimik ng lahat. Nagfofocus sila sa pagsagot. Alam ko naman na study first ang mantra ko, pero ang boring talaga. I just sighed and continued to write on my paper.

Not until Prof. stood up and went closer to me.

"Miss Morrison, where is your partner?"

Napa angat ako ng tingin kay Prof. then sa katabing upuan ko.

Teka?

Nandito lang 'yun kanina ah? Were we too engrossed and we didn't noticed her slipped out of the class?

"Sorry Prof. but I don't-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahil sa biglang pag static ng intercom dito sa loob ng classroom. There are intercoms plastered on the walls, in case there's an emergency announcement from the admins or mga estudyanteng pinapatawag.

"Hello, my apologies for interrupting your class and to whatever you may be doing. But this one is important. Hello Ms. Marceline Laine Darius, pinapasabi ng kaibigan ko na si Rahi Lascivus na sorry na raw. UWU!"

Bumunghalit ng tawa ang mga kaklase namin and for sure the whole student body dahil sa ginawa ni Luci ngayon. Sa ilang pagkakataong nakasama ko si Luci, kilalang kilala ko na ang boses niya.

"Goddamn it!" Mahinang napamura si Prof. pero narinig ko dahil nga malapit siya sa'kin.

"This one is for you." Sabi ni Luci mula sa intercom.

May narinig naman kaming tugtog na galing sa gitara. Mukhang nagdala pa nga ng gitara 'yung isa sa loob ng broadcasting room.

Isang humahangos naman na Rahi ang nakita namin na pumasok dito sa loob ng classroom. Nagpalinga linga pa ito tila may hinahanap. And when her eyes met mine, bigla siyang napabuntong hininga.

"Prof. excuse ko muna si Eve."

Napailing nalang si Prof.

"Go ahead." Pagod na sambit niya. Mabilis naman akong kinuha ni Rahi.

"Teka 'yung gamit ko!"

"Ako na Eve, bigay ko nalang kina Raven mamaya!" Sigaw naman ni Reu. Napatango nalang ako tsaka mabilis naming nilisan ang room at ang building.

Rinig pala sa buong campus ang pinag-gagawa ni Luci ngayon.

"Rahi bakit mo 'ko nilabas sa klase ko?"

Naglakad naman kaming dalawa patungo sa parking lot. Teka akala ko ba pupuntahan namin si Luci sa broadcasting room?

"We're gonna fetch Luci."

"HA? Eh nasa broadcasting room siya diba?"

"No. Recorded lang 'yun."

Bigla namang nag simula ang kanta ni Luci, at napatili 'yung ibang estudyanteng nadadaanan namin ngayon na walang pasok at naka tambay lang. Napapatingin din sila sa amin eh.

"Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa

Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Aba, magaling nga talagang kumanta si Luci. Maganda rin ang boses nito. Pero mas maganda pa rin 'yung kay Taegan my mehn de joke lang. Pero mukhang may pinag aalayan na ang idolo ko ng mga kanta niya. At kung tutuusin, mukhang bagay naman 'yung dalawa.

Luci GracelWhere stories live. Discover now