Chapter 15

1.1K 61 8
                                    

Eve Morrison

Alam mo 'yung nahihiwagaan ka sa isang bagay kung paano siya nag fu-function? Ngayon 'yun, ito 'yung nangyayari sa'kin at the moment.

Panaka naka akong napapasulyap kay Luci. Nakangiti siya habang sumisipsip sa Chuckie.

Chuckie lang 'yan, Lucifer.

Tumunog ang phone ko, isang mensahe ang dumating mula kay Raven.
Nakarating na sila sa resort nila Yoj, at mukhang excited siya sa magaganap na party mamaya.

Napalabi nalang ako, sana sumabay nalang ako sa kanila.

"Stop pouting, mukha kang pato."

Napairap ako sa sinabi ng nagmamaneho ngayon.

"Pwedeng magmaneho ka na lang?"

I glanced at her.

"Okay, kapit ka."

Nagulat ako nang binilisan niya ang pagpapatakbo sa kotse ngayon. Napakapit ako sa seatbelt ko tsaka sa dashboard ng kotse ni Xeah.

Jusko po! 

Tangina mo Lucifer! Ang daming sasakyan ngayon dahil weekday pa, kung ano 'yung nakikita ko sa movies na car chasing, ganito 'yung paraan na pagmamaneho ni Luci ngayon.

"Gusto ko pang mabuhay hanimal ka Lucifer!"  Pinag papalo ko siya sa braso niya. 

"H-Hoy Eba!" 

"Dahan dahan lang kasi!"

"Sabi mo magmaneho ako?!"

"Oo nga! Hindi ko sinabing bilisan mo!"

Humina na rin ang pagpapatakbo niya sa kotse, at nakahinga na ako nang maluwag. 

"Bweset ka talaga, Lucifer!" 

Napairap ako sa kanya, at nakita kong napangisi lang siya. Nakakairita talaga. Sana hindi ko nalang binigyan ng Chuckie.

Hindi na ako umimik pa at napatingin nalang sa labas ng bintana. Namalayan ko na lang na medyo papalayo kami sa sentro ng Oro City.

Ilang liko pa ang ginawa ni Luci at narating na din namin ang resort kung saan gaganapin ang victory party.

Pinarada niya ang kotse ni Xeah sa bakanteng parking space. Mukhang meron din ibang guests sa resort nila Yoj.

Bumaba na kami ni Luci at nagpalinga linga ako. Ang ganda naman dito sa inland resort nila Yoj.

"Woah." Napahanga ako sa nakikitang garden na maraming nakatanim na iba't ibang uri ng mga bulaklak.

"If you're in awe just by seeing this, you must see Aces. Mas maganda pa 'yun kesa dito."

Napalingon ako kay Luci, pareho kaming naglalakad patungo sa kung saan. Sinusundan ko lang siya eh.

"Aces?"

"Ah, beach resort nila Yoj. We took a vacation there two years ago."

Nagtaka ako dahil sa pagkakasabi ni Luci ay parang isang masayang alaala nalang ang lahat.

"May nangyari ba doon?" Napatingin siya sa'kin at ngumiti.

"Wala. Namimiss ko lang ang lugar na 'yun sa Pakan."

Napatango ako, pinagwalang bahala na lang kung ano 'yung mga pahiwatig niya.

Nagpatuloy kami ni Luci sa paglalakad hanggang sa nakita namin sila Raven. Nasa villa nila Yoj, mukhang nagkakasiyahan na ang lahat.

"Eve!" Tawag sa'kin ni Cedric, napangiti ako nang mapansin na ang daming laman ng plato niya. Jusko vakla! Kahit pusong babae ka, lalaki pa rin talaga kung kumain.

Luci GracelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora