Chapter 24

972 68 2
                                    

Eve Morrison

"Umuwi ka na baby..."

"'Di na ako sanay na wala ka..."

"Mahirap ang mag-isa..."

"Tangina 'yan utang na loob tantanan niyo na 'yang kantang 'yan!"

Nagtawanan naman ang apat na dragonballs dahil sa biglang pagsigaw ko.

Lahat nalang nagpapa-alala sa'kin sa demonyitang 'yun. Bigla nalang nawala na parang bula.

"Hoy te chair up ka na, tapos na prelims!" Excited na sambit ni Cedric.

At opo, kakatapos lang ng prelims ngayon lang. Isang maduguang laban pero ayos na din at nairaos ko naman. Ewan ko lang sa apat na dragonballs na 'to.
Panay reklamo sila kanina noong break eh.

Actually, sa dalawang araw na exam.

"Kung tayo magbubunyi dahil tapos na ang unang pahirap sa taong 'to, itong kaibigan natin parang pasan niya ang mundo." Singit pa ni Raven.

"Oo nga Everest, may problema ba?"

"Kasi 'yung bebe niya, nawala."

"Ayon naman pala! Ano ba kasing nangyari ha? Ba't 'di ko nakikitang umaaligid si Luci sa'yo?"

"Aba malay ko."

"Hindi man lang dineny 'yung bebe niya si Luci."

Nag high five pa sila Raven at Cedric. Mga walang hiya talaga oo.

Pero sa totoo lang, hindi ko na masyadong nakikita si Luci matapos ang laro nila noong nakaraang linggo.

Ni hindi ko nga siya nabati ng congratulations sa personal, pinaabot ko nalang kina Xeah pero chinat ko din naman siya. Ang kaso lang hindi naman nag reply. Mayaman naman pero hindi makapag reply.

Naubusan ka ba ng load Lucifer ha?!

Nakakainis, sineen lang ako.

"Lah ang lalim ng iniisip oh! Mukhang nag-away nga." Sabat naman ni Sherwin, dahilan para mabatukan ko siya.

Hindi ko naman matandaang may nagawa akong mali sa kanya. Although she was acting strange when she said those words to me back at Rahi and Marceline's house. Which really caught me off guard. Kung siya ang nasa sitwasyon na sinabi niya, syempre ang ganda 'non.

Kaso lang, kung kami 'yun baka magka world war III. And also, last time I checked, straight pa din ako.

Gugustuhin ko man ang hindi pagpapakita ng demonyitang 'yun, pero nakakapanibago ang absence niya. Nasanay na ako na lagi siyang namemeste sa araw ko. Lagi siyang may corny jokes sa Messenger ko, kahit hindi ko man 'yun pinapatulan, pero ngayon wala.

"Off topic lang pero handa na ba kayo sa outing sa Siargao?" Raven asked at napatingin ako sa kanya. Excited talaga sila. Sinabi kasi nila Xeah ang plano after ng game. Pumayag naman kaagad ang mga dragonballs.

"Oo naman, naka pag pack na nga ako eh." Sagot naman ni Vince.

"Hmm, I don't know what to pack pa eh."

"Three days lang tayo dun oy." Sabi ko pa.

"Mag shopping nalang tayo." Suhestiyon ni Cedric at pumayag agad si Raven. Mga shopaholic. Kaming mga dukha, ayos na sa window shopping. O kaya mas magandang bumili sa tiyangge.

"Oh sige kayo nalang girls, kasi uuwi na kami. Maglalaro nalang muna kami sa comshop."

Napailing nalang ako sa dalawa. Nagmadali na silang umalis at naiwan kaming tatlo dito sa parking lot.

Luci GracelWhere stories live. Discover now