Chapter 1

1.9K 78 21
                                    

Eve Morrison

"HA? Anong sabi mo? Ako?"

Turo 'ko sa sarili ko. May mga nakaabang kasi sa akin na dalawang babae dito sa field. Papunta kasi ako ng gymnasium para isauli 'tong jacket ni Luci. Nalaman ko kasing basketball pala ang sports ni Luci. Tatlong araw nasa akin ang jacket niya. Yet everytime na isasauli ko sakanya, hindi niya tinatanggap dahil hindi ko pa daw kaamoy ang jacket niya. Peste siya!

And everytime din na nagkikita kami, nagiging makulit siya. I don't know why, basta makulit siya.

"You're wearing her jacket everyday. So girlfriend ka niya?" Aba ang taray makatanong. Mali naman ang accusation.

"Hindi. Pinahiram niya lang 'to sa'kin." Agad kong paliwanang.

"Weird. Even Xeah, hindi ko nakitang suot ang gamit ni Luci."

Aba malay ko ba. Weird lang talaga ang may-ari ng jacket na 'to.

"Isasauli ko na nga eh."

Sakto naman na dumaan si Luci kasama ang iilang estudyante. "Luci!" Tawag ko sa kanya. She turned her head to me, at ngumiti. May sinabi pa siya sa mga kasama niya. Tiningnan ko sila, nagulat ako kasi puro magaganda ang kasama niya. Halatang mga mayayaman.

Lumapit naman si Luci sa pwesto namin. Nakaabang pa 'tong dalawang babae na humarang sa'kin. I don't know what their deal is. Mukha pa silang nakakita ng artista dahil lumapit sa amin ang varsity player.

"Isasauli ko na. Masyado nang tumagal 'to sa'kin." Sabay abot ng jacket sa kanya. She held it and brought it closer to her nose. Nakatingin lang ako ng maigi sa kanya.

"It's still doesn't smell like you." Napa pout niyang sabi. Umiwas ako ng tingin, hindi ako nacucutean sa kanya, promise.

"Sa'yo muna." Sabay balik sa akin. Hinawakan ko ulit ang jacket niya.

"Luci naman." Reklamo ko, kaya hinila ko siya palapit sa'kin.

"May nagtataka na, pinagkakamalan na ako ng girlfriend mo. Just like these girls did." Sabi ko sabay senyas sa kanya gamit aking mga mata. She looked at the girls at ngumiti.

"Hayaan mo na sila. Hindi ko naman sila kilala eh."

"Eh sila kilala ka. Mukhang may fans club ka dito eh." Sabi ko pa.

"Lu, what's taking you so long?" Naglipat ang tingin ko sa babaeng lumapit sa amin. She looked irritated, she still manage to look good though. Napatitig ako sa kanya dahil mukha siyang modelo. Medyo matangkad, maganda din, napaawang pa ang bibig ko nang maglapat siya ng tingin at ngumiti siya sa'kin.

"This is a first." She said and smirked.

"Rahi, Yoj come here!" Sigaw niya sa likod, lumapit naman ang mga kasama ni Luci. They all looked so damn hot. Rich kids din. 'Yung isang babae, maganda pero poker face lang siyang nakatingin sa'kin. But I swear parang hinahalukay niya ang pagkatao ko dahil lang sa titig niya. Seryoso lang siya habang naghihintay kay Luci.

'Yung isang babae naman, nakangiti siya ng maliit. Warm ang aura niya, pero tahimik. Sobrang suave ng dating niya dahil mukha siyang naka man bun although mataas naman 'yung buhok niya.

Namula pa ako nang magtama ang tingin namin nung unang babaeng lumapit. "Hi my name is Xeah." Abot nito sa kanyang kamay. Alanganin kong tinanggap pero nakipag kamay din naman ako. Hindi ako rude. So this was the Xeah they were talking about earlier?

"Eve." Ngumiti siya kaya nahawa ako. Sobrang ganda niya po.

"Tama na 'yan." Nilayo ni Luci si Xeah sa akin. Napasimangot ang huli dahil sa inakto niya. Nagulat pa ako dahil tumingin pa 'yung babaeng poker face lang yata ang alam, sa akin. What's her deal?

Luci GracelWhere stories live. Discover now