Chapter 17

1.2K 79 19
                                    

Eve Morrison

They say that the person who seems okay outside, is the one who is enduring a silent pain they only know.

I only knew Luci in a short period of time, but seeing her in this state. Not weak, not sad, but in a silent pain.

I feel like there's something pricking my heart.

Humithit ito ng sigarilyo bago nagsalita.

"Fiore is my almost lover."

Napaka seryoso niya ngayon. At ang gabi ay biglang lumamig. Hindi naman ito nanunuot sa balat, sakto lang na maramdaman ko ang lamig. Kasabay ng paglamig ng mga mata ni Luci.

"Anong nangyari?"

Buti nailabas ko pa 'yun. Kinakabahan kasi ako eh. Ewan ko ba.

Luci smiled, a bittersweet one. Makikita mo talagang nasaktan siya.

"Incoming freshmen kami noon, siya kolehiyo na. We fooled around. Akala ko nga talaga fling lang eh. Pero hindi. What started as a joke turned out to be more than that, at least it was for me."

Hinayaan ko siyang mag kwento. Tumungga ito ng alak bago ulit magsalita. Tangina, nakakaya niya 'yun? Mukha nga akong mamatay kanina sa pait ng inumin na may halo kanina sa laro.

Galing ng atay niya, mukhang sanay na sanay nga siyang uminom. Tiningnan ko lang siya mula dito sa kabilang upuan, kaharap niya.

"Alam mo 'yung sigurado ka na sa isang bagay, pero bigla lang binawi sa'yo?" Natawa siya ng mapakla at napailing. Uminom ulit ito, this time parang tubig lang 'yung alak sa kanya.

Fudge! If it was me, sunog na baga ko d'yan.

"I was so damn ready to be the best version of myself, for her. But turns out, I was the one who got played."

Karma siguro niya 'yun? Pero hindi eh. Ang bait niya sa amin. Sinundo pa nga namin ang fling niyang nanugod sa'kin noon, diba?

So, I don't see why she had to experience that.

"Umiyak ka?"

Umiling si Luci.

"Nasaktan ako, oo. Pero hindi ako umiyak."

Woah. Siguro nga may mga taong ganon. Kahit masakit, hindi sila naiiyak. Kung ako 'yun baka naglumpasay na ako. Charaught. Hindi pa naman ako nakakaranas ng heartache.

"Bakit?"

Tumingin si Luci sa'kin. 

"Ayokong manglibre ng trip to Palawan."

Nagkatinginan kami, at parang nag lo-loading utak ko sa sinabi niya. Nang mapagtanto ko kung ano 'yun, tumawa kami.

"Bakit trip to Palawan?"

"It was a bet from a long time ago with my for lifers."

Ah kaya pala.

"Pero gagawin mo talaga?"

"No way! Highway!"

Natawa ako ng bahagya, may pagka isip bata talaga 'tong babaeng 'to.

"Pero kung darating man ang araw na 'yun, hindi ako sisipot." Natawa kami pareho, baliw talaga 'tong si Luci.

"Pag dumating 'yung araw na 'yun, mabubusog ka kakakain sa sinabi mo."

Nagkibit balikat lang si Luci.

"Who knows?"

Oo nga, sino ba ang nakaka-alam?

Wala, kahit sino man, walang nakaka-alam ng kung anong mangyayari mamaya, bukas, sa makalawa. Pero sa tingin ko, darating din ang araw na makakatagpo si Luci ng makakatapat niya. Bahala na sila kung iiyak siya, hindi naman ako ang manglilibre ng trip to Palawan. Ang sa akin lang, may papawi din ng sakit na nararamdaman niya ngayon. 

Luci GracelWhere stories live. Discover now