Chapter 28

1K 66 5
                                    

Luci Gracel

"ANO?!"

Isang tumataginting na kutsara ang sumunod na tumunog.

"Luci anak? Everything okay sweetheart?"

"Yeah. Gotta hang up, bye Mom." Then I dropped the call.

Sa totoo lang mukha siyang timang ngayon. Nakayuko habang may hawak ng isang tub na ice cream, tsaka may kutsara sa paanan niya. If this is a different time, panigurado I'd end up laughing at her and teasing her.

"Tumayo ka nga ng maayos, mukha kang nawawalang tuta."

"Aba'y inamoka pala, ikaw na nga ang may kasalanan sa akin, nilait mo pa ako."

And here she goes again with her cursing.

"Relax ka lang Eba."

"Anong RELAX HA?! Paano ako magre-relax kung sinabi mo sa Mama mong maganda na girlpren mo ako!"

"You said you wanted to help!"

"Hoy iba 'yung tulong kesa inipit mo ako sa isang sitwasyon na hindi ako pumayag!"

Napairap nalang ako.

"Okay kalma ka lang. Mag-eexplain ako."

"You bettter do it faster Gracel, or else I'll call your mother this instance, and revoke what you just said."

"Okay, geez."

Siguro nga ay gagawin ko na talaga 'to.

"Umupo muna tayo."

"Talaga. Hindi ko kinakaya mga galawan mo eh. Baka crush mo na talaga ako sa lagay na 'to."

"Dream on Eba."

Napaismid nalang ako tsaka sabay kaming naupo sa couch.

"Okay, so ito na nga. We need to pretend as girlfriends."

"Bakit?"

"Para mapaniwala ko sila Mom at Dad na seryoso na ako."

"Bakit?"

"Para hindi na nila dinidiktahan ang future ko. Ayokong pangunahan nila ako."

"Bakit?"

"'Wag ka na maraming tanong Eba!"

"Bobo ka pala eh! Pa'no ko maiintindihan ang sitwasyon mo?!"

Huminga ako ng malalim. Talagang sinusukat niya ang pasensiya ko. Jusko po! Sky Dad sana naman bigyan niyo ako ng mataas na pasensiya, 'wag na po 'yung strength baka mapano pa itong si Eba eh. De joke lang.

"Gawin mo nalang 'yung gusto ko."

"Si Fiore ba?"

"Huh?"

"Si Fiore ba 'yung inili-link nila sa'yo?"

Hindi ako umimik. Papaano?

"Hindi ako bobo Lucifer. Top 10 'to no."

"Yabang mo. Pero para sagutin ang tanong mo, ay oo. Si Fiore nga ang itinutulak nila sa akin."

"You can easily dodge that girl. How come you let her near you?" Parang naiinis na tanong ni Eba.

"Hindi na madali ngayon ang sitwasyon."

"Pero bakit mo 'ko sinali?"

"Just because." Kibit balikat kong sagot.

"Aba umayos ka ng sagot Lucifer. Baka 'di kita matantya!"

Kalahi yata siya ni Dragona eh. Ang kaibahan lang, bumubuga si Eba ng mura. De joke ulit.

Luci GracelWhere stories live. Discover now