Chapter 44

911 60 11
                                    

Everest Morrison

"Ka ano ano niyo po si Luci?" Tanong ko sa lalaking kasama ko ngayon. He looks like he's in mid 30's.

"I don't work for her, but Young Lady Yoj Acero is my boss."

"Ah, okay po."

Natahimik na naman kaming dalawa. Pareho na kaming naglalakad lakad dito sa space amenities ng hotel. We went to the pool, at naupo nalang muna ako sa vacant sun lounger. Medyo hindi naman mainit sa pwesto ko kasi natatakpan ako ng anino ng building.

"May tanong po ako."

"Ano po 'yun Miss Eve?"

"Kilala niyo na po ba 'yung mga kaibigan ni Yoj?"

Napasulyap ako sa kanya, pero nakatingin pala siya sa akin. Pero hindi naman ako na bahala.

"Anong klaseng magkakaibigan po ba sila?"

Of course I know how they are with each other. Pero gusto ko ring malaman kung pano sila tingnan ng hindi naman nila ka close. Kasi nga mukhang bodyguard itong lalaking kasama ko.

"They are good with each other Miss Eve. They compliment one another, kumbaga kung ihahalintulad natin sila sa kotse, hindi aandar ang kotse kapag kulang ng isang gulong. "

"Close na po ba talaga sila since mga bata pa sila?"

"Sa pagkaka alam ko 'nung high school lang nila nakilala si Miss Rahi. Pero matapos ang tagpo na 'yun, parang pamilya na ang turingan na sila sa isa't isa."

"Pano po si Luci? Anong klaseng tao siya?"

Napangiti siya ng mabanggit ko ang pangalan. Para bang may binabalik tanaw na alaala.

"Why, she's cunning, naughty, basagulera, habulin ng away, babaera, but most of all she does everything to protect her fourlifers."

Napalingon ako sa nagsalita, at laking gulat nalang ng makita siya dito. He's wearing a business suit. Matikas pa rin ang pangangatawan kahit halatang may edad na.

From a glance, kamukha nga niya si Luci.

"Sir Hugh." Banggit ng lalaki sa pangalan ng Lolo ni Luci.

I recognized him from the dinner at Marceline and Rahi's house.

"Leave us for a while Cole."

"But Miss Luci said..."

"Oh don't worry Cole, just step a few steps while I talk to the lovely lady." He smiled.

"Yes Sir." At umatras nga ng hindi kalayuan si Cole.

Nakatingin lang ako sa kanya, and he gave me a small smile and nod.

Bumaling ang atensiyon ko sa Lolo ni Luci. At gusto ko man o hindi, pero kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

I swear he has an aura that scream do not mess with me or else. 

"Iha hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. It's not my forte." He said smiling and sat down on the sun lounger too next to mine.

"Ano po 'yun?" Wow self. I commend you kasi 'di ka na utal.

"Stay away from Luci. Hindi kayo nababagay sa isa't isa." And his smile faded. Kasabay ng pagbagsak ng ngiti niya ay para ring bomba na sumabog ang mga salita na binitawan niya.

"P-Po?"

"Alam kong gusto mo rin ang apo ko. Pero mas gusto kong h'wag ka nang lumapit sa kanya."

Gusto ko si Luci?

Luci GracelWhere stories live. Discover now